Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeric Raval Marcos Mamay

Mayor Marcos Mamay life story, tatampukan ni Jeric Raval

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAHUNTAHAN namin kamakailan si Direk Neal “Buboy” Tan at nalaman namin na si Ara Mina ay pinalitan si Patricia Javier as wife of Mayor Marcos Mamay dahil ‘di siya puwedeng mag-shoot sa Lanao ‘coz may prior commitment daw ang aktres sa buong buwan ng March.

Umaarangkada na ngayon ang shooting ng biopic ng masipag na mayor ng Nunungan, Lanao del Norte na pinamagatang “Mamay.” Ipinagmamalaki ni Direk Neal na very inspiring ang life story ni Mayor Mamay at marami ang makare-relate rito.

Sa panayam kay Mayor Mamay, nabanggit naman niyang swak si Jeric Raval para gumanap sa kanyang papel.

“Ang dahilan bakit si Jeric, nag-usap kami nina Direk Buboy at hands down na kay Jeric talaga bagay ang role. May pagka-action kasi ang buhay ko lalo na at may family feud na existing noon sa lugar namin. Bukod doon ay pumasok din ako sa PMA kaya sa tindig pa lang, no doubt, kay Jeric talaga bagay ang role,” pahayag ni Mayor Mamay.

Tiniyak din ni Mayor na inspiring ang mapapanood na talambuhay niya. “Simula pagkabata, ipinanganak tayo na nasa marginalized sector, ipinanganak tayong mahirap, malaki ang pamilya. Sa lahat ng fifteen na magkakapatid ako lang ang nakatapos dahil sa kahirapan.

“Sinasabi ko nga kung hindi lang ako scholar sa university hindi ako makatatapos,” sambit niya.

Si Mayor Mamay ay nagtapos ng Bachelor of Science in Business Economics sa Mindanao State University.

Makikita sa pelikula ang ukol sa rido o family feud na literal na ubusan ng lahi ang makikita. Gusto ni Mayor Mamay na ma-highlight ito para malaman ng lahat kung ano ang ibig sabihin nito.

“Maliit pa ako nararanasan ko na ‘yung putukan. Sa tainga namin dumaraan ‘yung mga bala. Pagdating kasi namin ng 18 years old puwede na kaming idamay kaya kailangan ko nang lumuwas para makatapos ng pag-aaral,” kuwento pa ni Mayor Mamay na League of Municipalities of the Philippines (LMP) national vice president for external affairs at Executive Adviser ng Actor’s Guild of the Philippines.

Bukod kina Jeric at Patricia, tampok sa pelikula sina Victor Neri, Ali Forbes, Polo Ravales, TJ Marquez, Julio Diaz, Ron Angeles, Dennis Coronel Macalintal, Alvin Fortuna, Baby Go, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …