Thursday , December 26 2024
Ajoomma

Matawa, mainlab sa light hearted movie na Ajoomma

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HAGALPAKAN sa loob sa ng sinehan dahil sa mga nakatutuwang eksena sa  lighthearted family drama na collaboration ng South Korea at Singapore, ang  Ajoomma na ipinamamahagi ng TBA Studios at mapapanood na simula March 15 sa mga sinehan.

Ang Ajoomma ay pinagbibidahan ng veteran Singaporean actress na si Hong Huifang na gumaganap na ajoomma sa kuwento na ang ibig sabihin ay middle-aged “auntie.”Iikot ang kuwento sa isang balong nanay na adik sa mga K-drama. Kaya naman super excited nang bumiyahe mag-isa mula mula Singapore patungong Korea na roon magaganap ang mga nakalolokang twists and turns ng istorya.

Sa pagpunta ni Hong Huifang sa Korea, marami siyang madidiskubre sa sarili, lalo na sa pagiging ina at asawa.

Sa totoo lang simple lang ang kuwento ng Ajoommah pero tiyak na  tatagos sa inyong mga puso ang ilang madadramang eksena. Tiyak ding kikiligin kayo sa ilang eksena lalo’t may kapartner si ‘auntie.’ 

Sinuportahan si Hong Huifang ng mga South Korean actors na sina Kang Hyung Suk (Hometown Cha-Cha-Cha), Jung Dong Hwan (Uncontrollably Fond, Hotel del Luna), at Yeo Jin Goo of Moon (Embracing the Sun, Hotel del Luna).

Nagkaroon ng world premiere ang Ajoomma  sa 27th Busan International Film Festival noong October, 2022 at ito ay directorial debut ng Singaporean filmmaker na si He Shuming.

Ayonay He Shuming na super fan ng mga Koream series, “While the premiese seems to be timely given the popularity of Korean pop culture sweeping through all of Asia and beyond, it merely serves as an understone for the film, which is about a middle-aged Singaporean woman learning to navigate life beyond her duties as a mother, a housewife, and a caretaker.”

Umani na ng mga parangal at pagkilala ang Ajoomma, kabilang na ang apat na nominasyon sa 59th Golden Horse Awards. Napili rin ito bilang entry ng Singapore para sa Best International Feature Film sa 95th Academy Awards.

Ang Ajoomma ay ipinrodyus ng Cannes award-winning director na si Anthony Chen (ILO ILO). Ito rin ang kauna-unahang pelikula na ginawa ng Singapore at South Korea.

“Filipinos are very passionate about Korean culture and media. We feel that audiences here especially women of all ages would be able to relate to this film. It’s a heartwarming story perfect for families,” ani TBA Studios President at COO Daphne Chiu

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …