Monday , December 23 2024
Chavit Singson Luis Christian Singson Lee Seung-gi

Korean actor Lee Seung-gi nagpunta ng Ilocos Sur

MARAMI ang nagulat nang tumambad sa Facebook page ng anak ni  dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, na si Luis Christian Singson na kasama ang Korean actor at singer na si Lee Seung-gi sa picture at nasa kanilang lalawigan.

Nalaman naming nagtungo nga ang Korean actor at singer na si Lee Seung-gi sa Ilocos Sur.

Ayon sa kuwento ni Jenny Fatima Macatiag, publicist ni Gov. Singson, ipinasundo ng private jet ni Singsong si LSG para dalhin sa Sulvec Greece sa Narvacan at Vigan Ilocos Sur.

Kaya naman suwerte ang mga nasa Vigan, Ilocos Sur noong Huwebes dahil naispatan nilang namamasyal ang aktor sa Calle Crisologo at Baluarte na pag-aari ni Singson. Hindi naman binigo ni LSG ang mga indibidwal na gustong magpakuha sa kanya ng picture.

May picture rin sa Sulvec Greece sina Singson, Luis Christian, at ang K-pop star. Ipinost ito ni Luis Christian at may caption na, “With South Korean Popstar Lee Seung-gi. 

 Ibinahagi pa ni Christian na nakasama nilang mag-lunch ang aktor.

“Na kasama po namin kumaen si Lee Seung-gi mag lunch, sobra bait at humble nya.”

Kinumpirma rin ni Chavit na nasa Narvacan ang Korean actor. 

Magbabalik din si LSG sa ‘Pinas soon dahil may gagawin itong show. 

Si Lee Seung-gi ay nakilala sa kanyang mga seryeng A Korean Odyssey, Mouse, The Law Cafe, at My Girlfriend is a Gumiho. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …