I-FLEX
ni Jun Nardo
WALANG nabuong relasyon sa Kapuso actor na si Kokoy de Santos at Regal baby na si Irish Guardian nang magsama sila sa reality show na Running Mang PH.
“Wala, wala ngang nabuo sa aming relasyon ni Irish. Friends lang kami up to now kahit tapos na ang show namin,” sabi ni Kokoy sa amin nang makausap bago ang mediacon ng GMA at Viu collab project na The Write One.
Sa totoo lang, non-stop ang projects ni Kokoy sa GMA dahil nang gawin niya ang Running Man PH, napasali siya ngayon sa The Write One kaya naman walang pagsisisi na bahagi siya ng GMA Sparkle artists.
Bida sa The Write One ang showbiz couples na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, at Mikee Quintos at Paul Salas. Ngayong March 18 ang streaming nito sa Viu habang sa March 20 ang pilot telecast nito sa GMA Telebabad.