Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina Team A KimJe

KimJe ‘di pa handang i-level-up ang relasyon, focus muna sa career

NAGKAKATAON. Paghahanda. Ito ang basa kapwa nina Jerald Napoles at Kim Molina sa mga papel na ginagampanan nila sa mga show at pelikulang ginagawa nila.

Tulad ng bagong project nila sa Viva TV, SariSari, Cignal, at TV 5, ang Team A: Happy Fam, Happy Life na gumaganap silang mag-asawa at may isang anak. 

Aminado ang KimJe na first time nilang gaganap na mag-asawa at may anak kaya napapaisip din sila nang matanong kung itinuturing na rin nilang preparasyon sa pagiging mga magulang ang bago nilang show.

Aminado naman silang napag-uusapan na nila ang pagkakaroon ng anak at pinaghahandaan na rin nila ang pagdating ng araw na magiging mga magulang na rin sila.

 “Ano po, of course, nakikita namin, ‘Grabe, ’no? ’Yung roles natin…’ doon kami nagsisimula, eh. ‘Grabe, ang role natin mag-asawa.’ Automatic, pag-uusapan n’yong mag-partner. Tapos live in pa kami,” ani Jerald.

Pero hindi pa sila handa na isabuhay ang ginagampanan nilang papel sa Team A dahil sa dami ng blessings at opportunities na dumarating sa kanila, ito muna ang gusto tutukan, ang kanilang career.

“So, we’re just trying to enjoy the process of the shoot because this is actually a fictional and good vibes shoot.

“So, parang nagdu-dwell lang muna kami roon sa idea na ’yon because we know also na pagdating ng panahon na sakaling magka-pamilya, hindi lang ’yon side na mae-encounter ng mag-partner o mag-asawa.

“Ngayon, parang nakikita namin, napapanood namin ’yung the good part, ‘yun kasi ang ipinakikita ng show na ’to, eh. Parang we’re trying to show how to process the concerns and issues of a family in a light manner. Parang ganoon.

“Parang hindi tayo ’yung sa totoong buhay na, ‘Hayop ka!’ Ha-hahahahaha! Walang gaoon. So ’yun ’yung medyo ano namin, ang bida-bida namin sa show na ito,” paliwanag ni Jerald.

“Ganoon din naman po. Siya po nagde-decide. Ako po ’yung mabubuntis, eh. Ha-hahahaha!” susog naman ni Kim.

“Pero, yes, we’re thinking about it also especially kapag kami-kaming tatlo lang nitong si Baby Girl (Gianna Iguiron, anak nila sa Team A) as in, baby talaga namin siya.

Pero ngayon po ay focused kami, siyempre, sa aming pamilya, Pamilya Ambida. Malaman-laman po natin kung may madadagdag sa cast. Charing! Ha-hahahaha! But not anytime soon. Not anytime soon,” anang aktres.

Makakasama rin ng KimJe sa TeamA  sina Yayo Aguila, Anjo Yllana, Cindy Miranda  at marami pang iba. Mapapanood na ito simula sa March 18, tuwing Sabado, 9:30 p.m. sa TV5 at catch-up episodes sa darating na March 19, tuwing Linggo, 9 p.m. sa Sari Sari Channel Cignal Channel 3. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …