Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Bianca Umali Rhea Tan

Ruru ipagpapagawa na ng bahay si Bianca; super blessed sa pagiging Beautederm endorser

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASUWERTE si Bianca Umali kay Ruru Madrid dahil tiniyak ng aktor na hindi siya babaero. Kahanga-hanga ang ginawang ito ng aktor para matiyak na kung sino ang mahal niya ngayon iyon lamang at wala nang iba. Wala ring dapat ipag-alala si Bianca na baka mahumaling pa sa iba ang kanyang boyfriend. 

Pinaghahandaan na rin ni Ruru ang future nila ni Bianca dahil pagpapatayo na ito ng bahay.

Sa launching ng mga Sparkle artist bilang Beautederm ambassador noong Martes, March 7,  natanong sa aktor kung totoong nagpapatayo na ito ng bahay para sa kanila ni Bianca?

Sagot ng aktor, “Yung isa po para sa pamilya ko. Iyon po ‘yung dream house ko for them.

“And then, after that, once na matapos ko na po ‘yun, ayun na, siyempre po para sa aking susunod na pamilya,”medyo nahihiyang pagbabahagi ni Ruru.

At nang igiit na kung si Bianca ba ang tinutukoy niyang “susunod na pamilya?” Siangot ito ni Ruru ng, “Yes. Hopefully.” 

ibinahagi pa ni Ruru na unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap niya sa buhay kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa GMA 7 at sa Sparkle dahil sa patuloy na tiwala at pag-aalaga sa kanya.

“Parang simula noong kumikita na ako, hindi naman kami galing sa mayamang pamilya, ayoko nang hayaang bumalik ‘yung buhay na nahihirapan na ang pamilya ko.

“Sinabi ko talaga sa simula na nagtrabaho ako, kahit na gaano ito nakakapagod, kahit na dugo’t pawis ang inaalay ko rito, okay lang sa akin basta mabigyan ko ng magandang buhay ‘yung pamilya ko at yung magiging pamilya ko na susunod sa buhay ko,” sambit pa ni Ruru.

Natanong din ang aktor kung hindi na siya babaero mula nang maging dyowa niya si Bianca, “Ay naku, hindi na talaga! Sobrang vocal kasi ako sa nararamdaman ko, eh. I mean, ‘pag may nagustuhan akong babae, sasabihin ko talaga.

“Siguro noong time kasi na ‘yun, single ako. So, puwede ko naman gawin ang mga bagay na gusto ko. Pero ngayon kasi, wala na, eh. Nakita ko na ang kahalagahan ng mga bagay na mayroon ako. Ayoko nang mawala yun,” sabi pa ni Ruru.

Isa pa sa itinuturing na mlaking blessing ni Ruru y ang pagiging bahagi ng Beautederm na kasama rin niya si Bianca  bilang brand ambassador.

Ang iba pang celebrity endorser ng beauty and wellness company ni Ms. Rhea Anicoche-Tan mula sa Sparkle ng GMA ay sina Rayver Cruz, Cassy Legaspi, at Sanya Lopez. Ipinakilala rin sa mediacon ang mga bagong Kapuso stars na endorser na rin ngayon ng Beautederm skincare products, ito ay sina, Edgar Allan Guzman, Ysabel Ortega, Thia Tomalia, Patricia Tumulak, at Buboy Villar.

Sa isinagawng paglulunsad sa kanila sa Luxent Hotel sinabi ni MsRhea na  napakaganda ng partnership nila sa Sparkle dahil never siyang nagkaproblema sa loob ng limang taon nilang collaboration.

“For me, beauty goes beyond the face. It is reflected in one’s soul. The intention of Beautéderm is not just to make people beautiful and glowing, but to extend hands to those in need, through the support and success of our resellers, distributors, and franchisees.

“What you do to the communities makes you beautiful. Recently, some of our scholars graduated with honors and that makes me extremely happy — that is the real measure of success — the number of hearts and lives you’ve touched,” sambit pa ni Ms. Rei.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …