Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco sa relasyon nila ni Cristine: we’ve been very, very close, we’ve been hanging out a lot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 MADALAS nakikitang magkama sina Marco Gumabao at Cristine Reyes na magkasama kaya naman maraming netizens ang nagtatanong sa kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng dalawa.

Madalas kasing nakikita ang dalawa at napapansin ang kakaibang sweetness ng mga ito.

Nakita sina Marco at Cristine na magakasama sa  Siargao  na nagbabakasyon at madalas magkasama sa gimikan. Kaya naman nang magkaroon kami ng pagkakataong makausap ang aktor sa media conference ng pelikula nila ni Kylie Versoza na Baby Boy, Baby Girl na handog ng Viva Films at mapapanood na sa March 22 sa mga sinehan, inurirat namin ang aktor ukol kay Cristine.

Marco Gumabao Kylie Versoza

Pinaunlakan naman niya kami at nangingiting sinabing,  “Kami ni Cristine, we’ve worked together since 2015 actually first teleserye ko, it was ‘Tubig at Langis’ and I can say that we have formed a good relationship and solid friendship throughout the years.  

“Recently, we’ve been very, very close, we’ve been working out together and hanging out a lot.”

At natanong naming hanging out lang ba talaga? At sinagot kami ng, “Masama bang makipag-hanging out,”natatawang sabi nito at nagsabing, “joke.” 

At patuloy na sinabing, “Cristine is a very honorable person, click kami in terms of mga trip namin sa buhay, ugali namin, nagko-complement kami with each other.”

Natanong si Marco kung wala pa bang label ang relasyon nila, at sinagot niya ng, “Ha? Ano ‘yun? Ha-hahaha! Basta ‘pag ano, malalaman n’yo naman ‘pag ano na.”

Pero pwedeng bang magtuloy sa seryosong relasyon o commitment ‘yung special friendship nila ni Cristine, susog na tanong namin, “Well, nasa kanya na yun!” sagot ni  Marco sabay tawa.

Sa kabilang banda, balik-tambalan sina Marco at Kylie sa sexy-romcom movie na  Baby Boy, Baby Girl mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana. Gaganap silang mga sugar babies sa kuwento na naghahanap ng tunay na kaligayahan.

Kasama rin dito sina Giselle Sanchez bilang sugar mommy ni Marco, Rey Abellana bilang sugar daddy naman ni Kylie, Yen Durano, Gino Roque, Migo Valid, at Andrea Babiera bilang mga sugar babies.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …