Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boy Abunda Wow Bulaga TVJ

Kuya Boy nilinaw Wow Bulaga poster fake

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SA panahon ngayon, hindi ka talaga dapat naniniwala agad-agad sa mga nakikita sa social media. Madalas kasi marami ang fake news. Tulad na lamang itong kumalat na poster ng bagong show na umano’y papalit sa Eat Bulaga, ang Wow Bulaga.

Alam naman nating may internal problem ang Eat Bulaga kaya naman maraming balita  ang lumalabas.

Noong Lunes nilinaw ng King of Talk sa kanyang Kapuso program na Fast Talk with Boy Abunda ang balita tungkol sa Wow Bulaga poster. 

Ipinakita  ni Kuya Boy ang poster na kumakalat sa social media na nakasulat ang “Ang Bagong Barkada sa Tanghali!” kalakip ang logo ng GMA-7 at Television and Production Exponents (TAPE) Inc.

Nasa sentro naman ang picture ni Wowowin host Willie Revillame kasama sina Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Bretman Rock, Miguel Tanfelix, Tyronia Fowler, at Rosmar Tan na sinasabing magiging hosts sa rebranded noontime show.

Agad nilinaw ni Kuya Boy na hindi totoo ang kumakalat na poster. Aniya, “Nais lamang sabihin ng aming source, isang mapagkakatiwalaang source po rito sa GMA 7, that this poster is not true. This is a fake poster. ‘Yun ang pagkakasabi. Hindi po ito totoo.”  

Sinabi pa ng magaling na host na hintayin ang pahayag ng pamunuan ng programa at ng Kapuso Network hinggil sa isyu.

“I want to make a stand, mayroong pinagdaraanang challenges ang ‘Eat Bulaga’ pero antayin po natin ang kanilang official statement, ang official statement po ng GMA-7 para malaman po natin ang buong kuwento, ang katotohanan so we can stop speculating,” sabi pa ni Kuy Boy.

Nitong mga nagdaang araw, kumalat ang balita na nakararanas ng internal problem ang naturang noontime show. Hanggang sa kumalat ding mag-aalisan sina Tito, Vic, at Joey para sumama kay Mr. Antonio Tuviera

Nadamay din ang Wowowin host na si Willie na sinasabing papalit sa TVJ bilang main host ng programa.

Bukas ang aming pahayagan para sa pahayag ng TAPE Inc., at GMA-7 para sa ikalilinaw ng usaping ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …