IGINIIT ni Liza Soberano na hindi siya nagpa-abort o nagpalaglag. Tugon ito ng aktres sa mga malisyosong tsika na nagpalaglag siya. Ito iyong natsismis siya noon na nabuntis umano siya ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil kaya nagtungo sa Amerika at doon isinagawa umano ang pagpapalaglag.
Tiniyak din ni Liza na never siyang magpapalaglag magpapa-abort sakaling mabuntis siya kahit hindi pa kasal.
Sa latest vlog ni Bea Alonzo sa YouTube, nilinaw ni Liza ang tungkol sa malisyosong chika na nagpalaglag siya sa Amerika noon. Sumalang ang aktres sa Lie Detector Challenge at isa nga sa mga naitanong ay ang walang kamatayang abortion issue.
“I was accused of that during the time I got operated on in the States for my finger,” panimulang pahayag ng aktres. Ito iyong nagsasanay siya para sana sa Darna.
Paglalahad ni Liza, nagsimula sa isang blind item ang malisyosong tsika sa isang male reporter hanggang sa pangalanan siya ng mga netizen. Kumalat ang nasabing fake news noong araw na dinala siya sa operating room para sa kanyang surgery.
Nalungkot lang daw siya dahil hindi niya maipagtanggol ang sarili sa kumalat na pekeng balita, “I wasn’t allowed to talk about it for some reason.”
Hindi rin daw siya makapag-update sa kanyang social media accounts dahil sa kondisyon niya kaya ang paniwala ng mga netizen ay totoo ang mga chika ukol sa kanya.
“At saka paano ako magpo-post (sa social media), I was wearing a cast, and I was always sick ’cause I was taking antibiotics constantly,” kuwento ni Liza.
Inamin ni Liza na medyo nag-gain siya ng weight matapos siyang magkaroon ng injury dahil hindi na siya nakakapag-workout.
“He (reporter) started making accusations towards me and there were blind items. He didn’t name-drop me, but it was so obvious because there were words like ‘Ang darnang hindi lumipad,’” sey ng aktres.
“It’s just sad that I couldn’t defend myself like that so I had to post the picture na nagpa-opera ako and for some reason people still didn’t believe it.
“I was in a really good relationship that was accepted by my people. If I did get pregnant, why wouldn’t I come forward with it?
“And I would never get an abortion because that’s not just something I believe in personally,” paliwanag pa niya.
Sa tanong kung ano ba talaga ang paniniwala niya sa isyu ng abortion, “For myself I wouldn’t do that, just because that’s my personal belief. But I don’t hold it against anyone else that does that.” (MVN)