Friday , November 15 2024
congress kamara

Chacha aprub sa Kamara

ni Gerry Baldo

APROBADO sa Kamara de Representantes ang panukalang Charter Change upang amyendahan ang mga probisyon patungkol sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Constitutional Convention.

Nakakuha ito ng 301 boto laban sa anim. Isa ang hindi bomoto.

Ayon sa mga nagsusulong nito, magkakaroon ng maraming trabaho ang mga Pinoy at darami ang kita ng bawat isa dahil dito.

Ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 6 ay ipinanukala ni  Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Majority Leader Manuel Jose M. Dalipe,  Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, ang pinuno ng House Committee on Constitutional Amendments.

         Ani Romualdez tututukan nila ang pagbabago ng “restrictive” economic provisions of the basic law in the hope that the changes would pave the way for the country to attract more foreign investments.”

“We need additional investments that would create more job and income opportunities for our people. We need increased capital to sustain our economic growth momentum,” ani Romualdez.

         Tutul si Deputy Minority Leader Mujiv Hataman sa panukalang ito. “No” ang kanyang boto.

Ani Hataman, hindi prayoridad ang Charter Change sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Hindi ba dapat on-board tayong lahat sa pag-amend ng ating Saligang Batas? Hindi ba’t dapat iisa ang direksiyon ng Executive at Legislative tungkol dito?” tanong ni Hataman sa pagpaliwanag ng kanyang “No” vote.

         Ani Hataman, hindi biro ang pondo, oras, at human resources na kakailanganin para sa isang Constitutional Convention.

“At magkano ang gagastusin natin dito? Magkano sa isang araw ang bawat isa sa 253 delegates sa loob ng pitong buwan, in addition to the expenses for ratification in plebiscite?”

Paliwanag ni Hataman, hindi lamang ang mga economic provisions ng 1987 Constitution ang pumipigil sa foreign investors na mag-invest sa ating bansa.

“Una rito ang mataas na power rates dito sa atin, overwhelming corruption, at red tape, kawalan ng impraestruktura para sa negosyo, ang ating mababang ease of doing business rating, at peace and order.”

“Sa katunayan, sunod-sunod ang insidente ng karahasan sa ating bansa sa ngayon. There seems to be a climate of lawlessness, and there is a series of unresolved killings and armed attacks all over the country the past few months,” ayon sa mambabatas ng Basilan.

Naniniwala si Hataman, kailangan pag-aralang masusi ang sinabi ng mga nagtutulak nito kung ang “restrictive economic provisions” ng ating Saligang Batas ang sanhi ng hadlang sa pagpasok ng mas maraming foreign direct investment sa bansa.

         Sa panig ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-List France Castro ang Chacha ay hindi magiging sagot sa mga suliranin ng taong bayan.

“Napakaraming panukalang batas na nakahain sa parehong Kamara ng Kongreso para tugunan ang mga hinaing ng taong bayan, at kabilang dito ang mga panukala ng Bloke ng Makabayan para sa salary increase, wage hikes, subsidies para sa iba’t ibang sektor, mas mababang buwis para sa low and middle classes pati panukalang super-rich tax bill, mga panukala at resolusyon para sa food security gaya ng pagbabawal at regulasyon sa importasyon ng mga pangunahing produktong agrikultural. Kung gusto lamang ng kasalukuyang administrasyon, ito ang maraming paraan na dapat nitong gawing iprayoridad at ipasa sa lalong madaling panahon,” ani Castro bilang paliwanag sa kanyang boto.

“Huwag nating linlangin ang taong bayan na “concon para sa econ” lamang ito sa layuning amuin o pakalmahin ang oposisyon ng publiko sa ChaCha.  Malinaw sa ating lahat — kabilang na ang mga sponsor ng panukalang ito at ng susunod na panukalang ConCon Act — ang batas, jurisprudence, at historical precedents na nagsasabing plenaryo o pangkalahatan ang kapangyarihan ng isang Kombensiyong Konstitusyonal, at ‘di kayang limitahan ng Kongreso ang kapangyarihang ito,” ani Castro. (30)

About Gerry Baldo

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …