Friday , November 15 2024
jeepney

Camanava LGUs, nagbigay ng Libreng Sakay sa commuters

UPANG tiyakin ang kaligtasan at hindi maabala ang commuters sa kanilang pupuntahan sa pagsisimula ng unang araw ng tigil-pasada, agad umalalay at nagbigay ng Libreng Sakay ang mga local government units (LGUs) ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.

Sa Caloocan, higit 65 sasakyan ang ipinakalat ng pamahalaang lungsod upang magbigay ng libreng sakay sa iba’t ibang ruta sa buong lungsod, maging ang Caloocan City Police sa pamumuno ni P/Col. Ruben Lacuesta ay nagbigay din ng libreng sakay.

         Ipinag-utos ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa PSTMO ang libreng sakay para sa ligtas at maayos na paglalakbay ng mga taga-Malabon na 12 saksakyan ang inihanda para sa mga rutang Sangandaan–Tatawid, Malabon-Bayan-Monumento, Malabon-Acacia-Monumento, at Gasak-Letre.

Sa Navotas, umarangkada ang libreng sakay ng pamahalaang lungsod para sa mga apektadong Navoteño ng tigil-pasada.

“In the instance that the weeklong transport strike push through, we are ready to provide free shuttle services to Navoteños. Our crisis management team have already met and set plans to counter the impact of the activity on our constituents’ work schedules and daily routines,” ani Mayor John Rey Tiangco.

         Maliban aniya sa mga sasakyan ng pamahalaang lungsod, nangako rin ang 18 barangay na gamitin ang kanilang mga service vehicle para magbigay ng libreng sakay sa loob ng Navotas.

Samantala, nagpakalat ang pamahalang lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ng mga truck at E-trikes para umalalay at magbigay ng libreng sakay sa mga apektadong commuters sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Maging ang mga pulis sa Camanava sa pamumuno ng Northern Police District (NPD) ay nagbigay din ng libreng sakay para sa mga apektadong commuters. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …