Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
1st Annual BingoPlus Night

1st Annual BingoPlus Night dinaluhan ng mga sikat na artista

RATED R
ni Rommel Gonzales

STAR STUDDED ang ginanap na 1st Annual BingoPlus Night noong Sabado ng gabi sa Grand Ballroom ng Grand Hyatt Hotel sa Taguig City.

Rumampa sa red carpet ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na sa mismong programa ay umawit ng Araw Gabi, ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ang finale ng show at nag-ala-Rihanna, ang girl group na PPop Generation, ang grupong Alamat , ang hunk Viva Stars na sina Nikko Natividad (na mapapanood sa Salamat, Daks ng Vivamax), Wilbert Ross, at Mccoy De Leon na humataw ng Tala dance number sa program proper,  sina Sam Concepcion at Darryl Ong na later on ay kumanta sa stage with Ronnie Liang,  Lea Jane,  Bianca Santos,  Carlyn Ocampo, ang This Band, mag-asawang Billy Crawford at  Coleen Garcia na sumayaw sa stage, Kim Molina,  Katrina Velarde,  Bela Padilla, Bea Binene at si Josh Cullen Santos ng SB19 na solong nag-perform onstage with matching pa-abs dahil ang outfit niya ay nakabukas ang lahat ng butones ng pang-itaas.

Si Luis Manzano ang nagsilbing host ng event at kita naman sa aura nito na masaya siya at tila walang kinakaharap na anumang kontrobersiya, marahil ay alam niya na inosente siya sa mga paratang laban sa kanya na may kinalaman sa isang business deal na umano ay scam daw.

And common sense, kung may ginawang labag sa batas si Luis, makikita ba natin siya in public na nangho-host ng isang event sa harap ng publiko?

And as usual, napakahusay mag-host ni Luis, hindi nagkamali ang BingoPlus na kunin siyang male celebrity endorser, along with Maine Mendoza na female celebrity endorser.

Sayang nga lamang at hindi nakadalo ang birthday girl na si Maine Mendoza sa payanig ng BingoPlus.

At ang isa pa palang bongga sa pinakaunang Annual Bingo Plus Night, in attendance ang mga pinuno ng mga bigatin at legit na kompanya sa bansa tulad ng GCash at maraming-marami pang iba.

Talagang who’s who sa larangan ng negosyo ang naroroon sa ginanap na event.

At hindi lamang iyan, dalawang mapalad na bingo players ang nagwagi ng tumataginting na tig-P25-M.

Hindi lamang ‘yan, nag-donate rin ang pamunuan ng BingoPlus ng P10-M sa charity. Bongga, ‘di ba?

Kaya nakaeengganyo talagang maging player ng BingoPlus.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …