HATAWAN
ni Ed de Leon
NANG makita ni Barbie Forteza ang picture ng syota niyang si Jak Roberto na ang suot ay isang lumang shorts, nagbiro iyon na “ibibili kita ng bagong shorts. Quota na iyang suot mo.”
Mabilis naman iyong sinagot ni Jak nang “bagong laba kasi, nasa ibabaw kaya sa pagmamadali iyan na naman ang nakuha.” Maging sa kanilang pagbibiruan, hindi mo maikakailang matibay pa rin ang kanilang relasyon kahit na iginigiit ng network ang relasyon umano ni Barbie sa kanyang bagong ka-love team na si David Licauco.
Iyang mga love team ng mga hindi naman magsyota talaga, nahahalata ng mga tao iyan at hiindi nagtatagal. Bakit nga ba hindi na lang nila ihanap ng ibang ka-love team si David eh ang dami naman nilang bagong female stars, eh ang dami naman nilang binago pati na ang nagtalunan sa kanilang galing sa Madre Ignacia. Iyang si David tumalon lang din naman sa kanila eh.