Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Xian Lim

Xian ibinuking ni Ashley, may bagong kinaiinlaban

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAPWA excited sina Ashley Ortega at Xian Lim na mapanood ng lahat ang unang seryeng pagtatambalan nila, ang Hearts On Ice.

Parehong sumabak sa matinding training sa ice rink sina Ashley at Xian bilang paghahanda sa kanilang mga karakter sa kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa.

Kahit dati ng isang competitive figure skater, nag-training ang aktres at naglaan ng panahon para mapag-aralang mabuti ang kanyang bagong karakter.

“Aside from training, siyempre inaaral ko rin ‘yung character ko. I want to give justice to my role, her name is Ponggay. At saka may extra challenge rin ‘yung role ko roon sa figure skating. Extra challenge siya for me kasi may something siya, so I have to make an effort–to look good inside the rink, to do all my stunts without falling,” pagbabahagi niya.

Ikinuwento rin ng aktres na sabay silang nagte-training ni Xian at nakikita niya ang dedikasyong ibinibigay nito para matutong mag-ice skate. Dahil backdrop ng magandang kuwento ng Hearts On Ice ang sports na figure skating, kinakailangan din ng aktor na matutunan ito.

“Si Xian Lim, talagang he trained for three to four months para lang hindi raw s’ya magmukhang nakakahiya. Kapag nakikita ko siya sa skating rink, mas maaga pa siyang pumupunta sa akin doon. Magbubukas pa lang ‘yung mall nandoon na siya.

“Sabi ko, ‘Bakit nandito ka na tapos parang araw-araw?’ Sabi niya, ‘Nahihiya kasi ako sa ‘yo,’ sabi ko, ‘bakit ka mahihiya sa akin. Ako nga ‘yung nahihiya sa ‘yo because you’re Xian Lim.’ Pero I really admired his effort and his passion, na-in love s’ya sa sport ko.

“Noong nagsu-shoot kami… ‘yung production like every time they would film me performing, nai-in love rin sila sa sport, naa-appreciate nila. So sana once na nag-air na s’ya, ma-in love rin lahat ng tao sa sport, sa ginagawa namin, because it’s really inspiring,” kuwento niya.

Abangan ang unang tambalan nina Ashley at Xian sa Hearts On Ice ngayong Marso sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

Angelica Panganiban Jeffrey Jeturian Unmarry

UnMarry informative at entertaining  

I-FLEXni Jun Nardo GOOD choice ang film festival entry na UnMarry para sa grand kambak (comeback) ni Angelica …

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins walang tapon sa 3 episodes

ni Allan Sancon STAR studded at tunay na engrande ang Red Carpet Premiere ng Shake, Rattle …

SRR Origins

SRR: Evil Origins tagumpay sa pananakot; mga eksena makapigil-hininga

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINUPORTAHAN ng kani-kanilang pamilya ang mga bidang sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi sa premiere …

Unmarry cast

Zanjoe pang-best actor ang galing; Zac agaw-eksena sa UnMarry

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGINGILID na ang luha ni Angelica Panganiban bago pa man magsimula ang screening …