Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Ina Raymundo Bembol Roco Adolfo Alix Jr

Alfred sa mga bigating artista sa Pieta — hindi ko ine-expect, I feel so humbled 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGLALAKIHANG artista ang bibida sa bagong pelikulang pamamahalaan ni Direk Adolfo Alix Jr, ang Pieta na handog ng Alternative Vision Cinema at Noble Wolf.

Nauna nang ipinakilala na pagbibidahan ang drama-thriller na Pieta nina Ms Nora Aunor, Gina Alajar, at Alfred Vargas. At noong Linggo inihayag din ng internationally-acclaimed at Urian Best Director ang iba pang dagdag sa pelikula.

Makakasama rin sa Pieta ang kauna-unahan sa Southeast Asian na nagwaging Best Actress sa Cannes Film FestivalMs Jaclyn Jose, Urian at Famas Best Actor winner Bembol Roco, Fantasporto International Film Festival Best Actress Ina Raymundo, Urian at Internationally-acclaimed film & theater actress Angeli Bayani, at Cinemalaya Best Actor Tommy Alejandrino.

Sa cast reveal na isinagawa noong Linggo sa Windmills and Rainforest, Sct. Borromeo St., Quezon City sinabi ni Alfred kung gaano siya kasaya at nagpapasalamat sa mga naglalakihang artista na makakasama sa Pieta gayundin sa kanilang direktor.

I’m very grateful to Direk Adolf Alix na siya talagang nag-assemble nitong napakagandang pelikulang ito.

“At kay Ate Guy, the one and only Superstar Nora Aunor na because of her, andaming pinto ang nagbukas ng mga napakagandang opportunities para sa akin, at para sa marami pang mga aktor.”

Matagal na palang gustong makatrabaho ni direk Adolf si Alfred subalit hindi umaakma ang kani-kanilang schedule. Naisakatuparan lamang ang kanilang pagsasama sa Kapuso afternoon drama series na Arabella.

Noong nakatrabaho ko si Direk sa ‘Arabella,’ ang gaan. Ang sarap katrabaho, ‘tapos ang ganda ng show.

“And even way before, noong napanood ko ang ‘Donsol,’ (na dapat niyang pagbibidahan) talagang sayang na sayang ako. Sabi ko, ‘Sayang, it was a role that I really wanted to do.’

“Kaso nga lang before, alam niyo, noong ano pa tayo, puro teleserye. Nagkaroon tayo yata ng ‘Encantadia’ at ‘Daisy Siete.’ Pinagsasabay ko. Hindi talaga puwede na gawin ko ‘yung ‘Donsol.’

“Pero alam ko, from the start, I wanted to work with Direk Adolf, one of the best directors of Philippine cinema today.

“Hindi lang ‘yun, ang sarap pang katrabaho, magaan and ako, ‘yung concept pa lang, talagang nagustuhan ko na, ‘yung kuwento pa lang ng ‘Pieta.’

“Nagustuhan ko na talaga. And hindi ko in-expect, magiging ganito siya kaganda, you know, with the cast na ganito kabigat. And I feel so humbled talaga.”

Next week na mag-uumpisa ng shooting para sa Pieta at aminado si Konsi Alfred na mixed emotions ang nararamdaman niya ngayon dahil isa ito sa katuparan ng matagal na niyang pangarap.

Sinabi rin ni Alfred na idea ni Direk Adolf ang casting ng Pieta.

Masaya na ako sa script, eh. From the start, noong nabasa ko ‘yung script, ‘yung concept, sabi nga sa ‘Jerry Maguire’, ‘You got me at hello.’”

Nang matanong si Alfred kung anong feeling na makakatrabaho niya sa isang pelikula sina Nora, Gina, at Jaclyn, sinabi nitong sobra-sobra ang excitement at pasasalamat niya.

Siyempre, sino ba naman ako compared sa kanila? Napakasimpleng aktor lang ako rito. Ako ang pinakabaguhan kung tutuusin mo rito sa project na ito.

“And I’m just excited. ‘Yung excitement ko, siyempre may halong malawak at malaking kaba, pero kapantay lang din ito ng excitement ko na makatrabaho sina Tito Bembol, si Ms. Ina, si Superstar Ate Guy Nora Aunor, Gina Alajar saka si Ms. Jaclyn Jose.

Kasi alam ko marami pa akong matututunan sa kanila. And alam ko rin naman, marami pa akong bigas na kakainin pero ‘yun ang nag-e-excite sa akin.

Kasi for someone like me, and feeling ko naman lahat ng artista ganito. Pangarap ng bawat artista na magkaroon ng ganitong project.

“And ito ‘yung pangarap ko, na matutupad so. So I’m just so excited. Gusto ko na ngang mag-Day 1 ng shooting. And I can’t wait to see the final product,” pahayag pa ng aktor at public servant.

Ang Pieta na ang istorya ay ukol sa wagas na pagmamahal ng ina sa anak ay isinulat ni Carlos Palanca winner Jerry Gracio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …