Monday , December 23 2024
James Reid

James Reid ‘di na umangat nang tumutok sa pagkanta

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPASALAMAT na lang si James Reid sa isang netizen na nagsabing sayang dahil may talent pa naman siya, pero hindi napapansin ang kanyang musika. Mas nakilala kasi si James bilang isang artista.

Aminin na natin ang totoo, sumikat lang naman bilang artista si James dahil pogi siya. Hindi na inintindi ng fans kung magaling nga ba siyang umarte o hindi, basta nakita nila siya at pogi siya. Iyon lang naman ang ginamit para lalo siyang sumikat. Kaya nga noon madalas pa na ang pictorial niya ay pa-sexy, laging walang damit. Doon siya hinahangaan ng fans eh, dahil sa hitsura niya.

Pinagawa siya ng album, pinag-concert pa siya na pumatok naman, pero hindi talaga ibinandera ang kanyang musical talent kundi ang hitsura pa rin niya.

Noong magsawa na siya sa puro pa-pogi, umalis siya sa kanyang producers, nagtayo ng sariling management firm at isang recording business. Iyon ang hanggang ngayon ay hindi pa nakaaangat.

Iyang musika kasi, ang labanan diyan hindi naman pagalingan eh. Marketing strategy iyan. Kung mahina na sa sistema ng bentahan, mangangamote ka talaga. Kung iisipin mo iyan ang nangyayari kay James. Pogi pa rin naman siya. Ganoon pa rin naman ang boses niya. Pero ang hindi niya naisip, talagang tagilid sa marketing ang isang baguhang recording company lalo nga’t iilang piraso lang naman ang ibinebenta.

Ewan kung ano ang susunod na move ni James, pero hanggang hindi siya sumusuko na mahirap talagang umangat nang mag-isa, walang mangyayari sa kanya.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …