RATED R
ni Rommel Gonzales
MATAPOS manalo bilang Vice-mayor ng Manila City, nagpaplano si Yul Servo na magbalik-pelikula.
Nagpaalam na nga siya sa boss niya, kay Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan.
“Actually ngayon nga nagpaalam ako kay Ate Honey, wala pa ako ngayon, kasi dati hindi ko talaga kayang pagsabayin eh, ayoko ‘yung naglalagare ng trabaho, kung hindi makakaistorbo sa schedule ko, titirahin ko, pero kung makaiistorbo sa schedule ko, puwedeng huwag muna.
“Nagpaalam ako kay Ate Honey, ang sabi ko… kasi noong nasa Congress ako, ang trabaho namin sa Congress Lunes, Martes, Miyerkoles, at Huwebes, tapos wala kaming trabaho ng Biyernes, Sabado at Linggo, eh ngayon naman ang trabaho ko naman dito na kailangan ko talagang attend-an eh ‘yung session namin.
“Eh iyon ‘yung pinaka-responsibilidad ko bilang isang legislative, ‘yung Presiding Officer ng Tuesday at Thursday, eh mayroon akong libreng M-W-F, so puwede ako,” kuwento sa amin ni Yul.
And speaking of movies, bubuhayin nina VM Yul at Mayor Honey ang The Manila Film Festival na katuwang ng gobyerno ng Maynila ang Saranggola Media Productions ni Edith Fider.
Si Ms. Fider ang magbibigay ng grant (at least P300k) para sa walong mapipiling screenplay na kasama sa The Manila Film Festival.
Ang TMFF ay bukas sa qualified bonafide students mula sa pribado at pampublikong unibersidad kolehiyo at senior high school.
Ang deadline ng submission ng screenplay entries sa pamamagitan ng e-mail ay sa Marso 10, 11:00 p.m. at ipadala sa [email protected].
Sa March 20 ang announcement ng selected eight entries, awarding of first tranch of production grants, assignment of mentors, June 2 naman ang submission of completed film and teaser, June 3-24, promotion period, June 17 film screening at ang petsa ng awarding of prizes to follow.
Nasa mediacon din ng The Manila Film Festival noong Februray 10 sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall ang mga direktor na sina Al Tantay at Jay Altarejos na magsisislbing mga mentor ng mga mapipiling kalahok.