Sunday , December 22 2024
Therese Malvar Jaclyn Jose

Therese pagod na pagod tuwing kaeksena si Jaclyn

RATED R
ni Rommel Gonzales

KINILIG si Therese Malvar kay Jaclyn Jose.

Magsasalpukan kasi ng husay sa pagganap ang dalawang multi-awarded actresses sa Bayad Utang episode ng Magpakailanman sa Sabado, February 25 sa GMA.

At ayon mismo kay Therese, kinilig siya sa naging experience niya at papuri sa kanya ni Jaclyn.

Eto po parang, finally nakae ni ksena ko siya ng sobrang dramatic. Sobrang saya, sobrang kinikilig po ako kasi kino-compliment ako lagi ni Miss Jane [Jaclyn].

“Na parang, ‘Ang galing na bata!’

“Sobrang kinikilig po ako!

“Tapos lagi po kaming take one kahit sobrang bigat ng eksena. Ambilis kasing makakuha ng emosyon sa kanya kaya ako po nadadala rin.

“Sobrang galing niya po.

“Pero mahirap po talaga ang mga eksena namin.”

Sobrang na-drain daw si Therese kaya pag-uwi niya mula sa taping nila ni Jaclyn ay pagod na pagod siya.

Opo, seryoso. Kasi po si direk Neal del Rosario talagang pinush po ako sa pinaka-capacity ko. Minsan nagte-take two siya sa akin para, sabi niya, ‘Mas itodo mo pa.’

“So sobrang draining but sobrang fulfilling, excited na nga po akong mapanood sa February 25.

Sa naturang fresh episode ng #MPK ay gaganap si Therese bilang si Sally at si Jaclyn si Andeng, at sina Dennis Padilla sina Monching at si Sparkle male star Larkin Castor si Noy.

Bukod dito, sa Oras De Peligro naman ay gaganap si Therese bilang si Nerissa. Anak siya nina Cherry Pie Picache (Beatrice) at Allen Dizon (Dario).

Bukod kina Therese, Allen at Cherry Pie,  nasa cast din ng Oras De Peligro sina Dave Bornea, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Crysten Dizon, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano, at Gerald Santos.

Mabigat man ang tema ng Oras De Peligro pero hindi naman ito ang pinakamahirap na role na ginampanan ni Therese.

Parang though the message is really strong, may role is very subtle but the whole message of the film is very strong.”

Hindi siya aasa ng acting award sa pagganap niya sa Oras De Peligro.

Hindi naman po. I feel like the message  itself  sa audience is the award mismo. Talagang mensahe po talaga ‘yung pinaka-main goal namin.”

Showing na sa mga sinehan ang Oras De Peligro sa March 1.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …