ni Ed de Leon
GALIT na galit ang isang male starlet dahil natsitsismis daw siyang “call boy.” Pero kung iisipin kasalanan din naman niya. Panay ang lagay niya sa kanyang “my day” ng mga picture niya na walang dudang kuha kung saan-saang hotel. Wala ngang nakitang kasama niya pero bakit nga ba siya laging nasa loob ng mga hotel room?
Hindi na mahalaga kung ang kasama niya ay matrona o mga bakla, iyon lang nasa hotel room siya nang halos araw-araw ano pa ba iyon?