HATAWAN
ni Ed de Leon
BATA pa si Jerome Ponce nang magsimula ng isang career bilang isang actor sa isang serye sa ABS-CBN, at dahil doon ay dumami agad ang kanyang mga fan. Nagkasunod-sunod din naman ang kanyang mga pelikula, malas nga lang at nawalan naman ng prangkisa ang ABS-CBN, at natural apektad omaging ang kanilang mga pelukula.
Nag-freelancer din si Jerome at marami namang kumukuha sa kanya, pati ang isang BL series sa internet gumawa siya na naging hit din naman. Ngayon si Jerome ay kasama sa Martyr or Murderer. Siya ang
gumanap na batang Ninoy Aquino. Kasama siya sa mga press conference, nakita ang kanyang picture sa kanilang poster. Kasama siya sa publisidad. Hindi man siya ang bida, binigyan siya ng importansiya.
Mas mabuti na iyan kaysa roon sa gagawin ka ngang bida tapos hindi ka naman bibigyan ng pagpapahalaga, at aagawan ka pa ng pagkakataon. Pero palagay namin maganda naman ang simula niya ngayon
sa Viva. Hindi man bida, bahagi siya ng isang siguradong kikitang pelikula. Mas mapapansin siya ng mga tao dahil mas maraming makakapanood ng kanyang ginawa, at tiyak na may kasunod pa siyang
gagawin.
Sabi nga nila, mabait na bata naman iyang si Jerome at iyang mga ganyang tao ang dapat na binibigyan ng break at tinutulungang makapanatili nang mas matagal sa industriya.