I-FLEX
ni Jun Nardo
NA-INSPIRE marahil ang Jesuit Communications (JesCom) sa success ng GMA series na Marian Clara at Ibarra kaya naman inanunsyo nila ang gagawing movie tungkol sa tatlong pari na tinaguriang GomBurza.
Gaganap bilang Padre Mariano Gomez ang veteran actor na si Dante Rivero habang ang theater at movie thespian na si Cedrick Juan ang lalabas na Padre Jose Burgos at ang matinee idol na si Enchong Dee si Padre Jacinto Zamora.
Mayroon ding special participation sa movie si Piolo Pascual bilamg Padre Pedro Pelaez.
Ngayong buwan ng Pebrero magsisimula ang shooting ng GomBurZa mula sa direksiyon ni Pepe Diokno.
“Everything is falling in its right place. The project is very timely,” ayon kay Father Ro Atillano, executive producer at JesCom associate director.