HATAWAN
ni Ed de Leon
UNANG nagpadala sa amin ng isang news clip ang kaibigang si Wendell Alvarez tungkol sa reklamo ng mga Muslim laban sa serye ni Coco Martin. Pero nang sumunod na araw ay may nakita na kaming video ng kanilang reklamo sa Tiktok at iba pang social media platforms. Ano ang reklamo?
Ipinakita si Coco na nagdarasal na loob ng simbahan ng Quiapo, sa harap ng medyo blurred na imahen ng Nazareno, kasi siguro nga ipinalalabas iyon sa ZoeTV na isang “born again” station. Habang nasa loob ng simbahan, nagnakaw siya, tapos dahil hinabol ng mga pulis, tumakbo siya sa Muslim area sa Quiapo at doon siya nagtago,
at itinago naman ng mga Muslim. Inamin niyang natukso siya sa kinang ng brilyante, kaya inisnatch niya sa babaeng may suot niyon. Sinagot naman siya ni Rez Cortez, na lumabas din sa pelikulang Mang Kanor, na ok lang iyon dahil magnanakaw man siya, itinutulong naman niya sa kapwa niya Muslim o Kristiyano. Nangako pa si Rez na
poproteksiyonan nila si Coco.
Aba papalag nga ang mga Muslim, hindi lamang dahil sa masamang image na sila ay nagkakanlong ng mga criminal, kundi labag iyon sa kanilang katuruan. Kami ay Kristiyano, pero para higit na maunawaan ang pananampalataya ay nagbabasa rin kami ng Banal na Koran.
Ipinagbabawal sa Banal na Aklat ng Islam at sa kanilang katuruan ang pagnanakaw. Ano man ang dahilan ng pagnanakaw ipinagbabawal iyon sa kanilang aral at sinasabing isang “haraam” o napakasama. At ang ganyan ayon sa Banal na Koran ang mga nangangailangan ay kailangang pangalagaan ng kapatiran kaya hindi sila kailangang magnakaw. Ang pagnanakaw ay tinatawag na hudud at ang parusa riyan ay pagpuputol ng kamay, pagpuputol ng paa, at paghagupit sa kanila, depende sa ipapataw ng Islamic court.
Mukhang nagkulang na naman sa research si Coco bago niya ginawa ang serye, at may karapatang umalma ang mga Muslim. Lalo na’t sa eksena ay ipinakita pang nagtago siya sa isang residential building sa harap pa naman ng Banal na Mosque sa Quiapo. Ang reklamo pa ng mga Muslim: ”nagsimba siya at gumawa ng mabuti sa simbahan ng Quiapo, tapos magnanakaw tatakbo sa malapit sa Mosque ng mga Muslim.”
Mukhang dapat na gumawa ng pagtutuwid at humingi ng public apology sa mga Muslim si Coco, o baka mahirapan na silang mag-shooting sa Quiapo, maging Batang Binondo, o Batang Tondo na lang ang serye nila.
Dapat ding tawagin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang atensiyon ng mga producer at director ng seryeng iyan, at kung maaari ay gawing SPG ang classification para hindi mapanood ng mga bata na maaaring maligaw ang paniniwala, at kung SPG, ilipat iyan ng oras at hindi sa primetime dahil sa mga reklamong ganyan at mararahas na eksena.
Taong 1975 pa nang nagpalabas ng findings ang Ministry of Information ng Japan na nagsasabing mas delikado ang mga mararahas na panoorin para sa mga bata kaysa sex.
(Kaugnay nito nagpalabas ng statement ang MTRCB ukol dito. Narito ang kabuuan ng statement:
“The MTRCB recognizes the concern of the Honorable Ziaur-Rahman Alonto Adiong regarding the depiction of Muslim characters in the program, “Batang Quiapo.” It is mindful that discriminatory and offensive portrayals of Filipino Muslims harm our Muslim brothers and sisters and also runs counter to the call of President Marcos, Jr. for national unity.
The MTRCB is currently working on institutionalizing television and motion picture guidelines/policies that are responsive to the cultural and religious sensitivities of Filipino Muslim viewers.
CCM Film Productions, the production company behind the program, has apologized to the Agency and committed to closely coordinate with the MTRCB to ensure similar incidents are avoided in the future. Nevertheless, it will also be issuing a notice to the networks concerned to ensure that depictions of Filipino Muslims in their programs honor the culture, society, and special values of Islam and the Filipino Muslim community.”)