HATAWAN
ni Ed de Leon
INIMBITA pa raw ni “madir” over lunch ang pamintang chef at restaurant owner na alam niyang “dead na dead” sa anak niyang sexy at pogi. Dati ang favorite ni “madir” na gay lover ng sexy at pogi niyang anak ay iyong madalas na manlibre sa kanila sa mga foreign trip, kaya nga enjoy si “madir” at siya pang naghahatid sa kanyang anak sa bading na matinee idol.
Hindi namin alam kung nagsawa na rin ang gay matinee idol, o may nakita nang iba kaya hindi na ganoon kabongga sa sexy at poging male star. Kaya nang pumasok naman ang pamintang chef na dati namang syota ng isang gay singer, iyon naman ang favorite ngayon ni “madir.”
Siyempre noong mag-lunch sila, si chef ang may dala ng food, kabilang na ang kanyang specialty na lechon na gustong-gusto ni madir. Wala na siyang objections kung tuhugin man ng anak niyang pogi at sexy si chef na parang lechon. Baka hindi na rin makatakbo iyan pagkatapos.