Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Darryl Yap

Pagsisiraan ng mga direktor, artista ‘di maganda sa industriya

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG ano-ano ang ipinupukol na akusasyon sa director na si Darryl Yap. Asahan na ninyo iyan dahil isa sa kanyang mga pelikula ay sinasabing “third highest grossing film in the history of Philippine Cinema.” Kung iyan hindi kumikita ang pelikula, hindi nila papansinin iyan. Kinatakutan ba siya noong gawin niya iyong Revirginized? Hndi ba pinagtawanan lang. Eh noong makatiyempo siya ng isang napakalaking hit, takot na sila.

Kabilang sa masasakit na sinasabi sa kanya ay iyong tinuran ng isang female star na hindi raw siya magpapa-direhe kay Darryl  dahil wala iyong konsensiya. Eh ano b naman ang masamang ginawa niyong tao para masabi mong walang konsensiya? Paano kung isagot ni Darry ng, “ayoko pong mag-direhe ng isang forever starlet?”

Paano kung sabihin din ni Darryl sa dalawang director na naninira sa kanya na “hindi ko po papatulan ang mga director na iyan. Una mas matatanda sila kaysa akin at hindi kumikita ang kanilang pelikula. Iyong isa bottom holder sa MMFF, iyong isa naman na-pull out ang pelikula sa mga sinehan after two days.”

Hindi po iyan sinabi ni Darryl, naisip lang namin na paano kung ganyan ang kanyang isagot sa mga naninira sa kanya?

Hindi kasi tama iyong naninira tayo ng pelikulang Pilipino. Noong araw, iyong mga artista ikinakampanya ang pelikulang Pilipino, kahit na hindi sila ang artista. Sina Nora Aunor at Vilma Santos, ang tindi ng kompetisyon noong araw pero hindi naman nagsiraan nang ganyan. Ipinakikiusap pa ngang panoorin ang lahat ng mga pelikula, kaya ang industriya noon sumusulong, hindi papaurong kagaya ngayon kasi walang ginawa ang mga tao kundi siraan ang kanilang kalaban. Bakit ba ang ipinauuso nila iyang climate of hate? Ang itinuro ng Diyos ay love. Iyang hate, iba ang nagturo niyan, alam na ninyo kung sino.

Walang kahihinatnan iyang climate of hate lalong babagsak ang industriya. Puro na nga kahalayan, mga gay films, na ayaw namang panoorin ng masa, tapos nagsisiraan pa. Paano nga babalik ang mga tao sa sinehan? Huwag kayong ganyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …