Monday , October 2 2023
FCBAI Bakery Fair 2023
DUMALO sa naganap na Bakery Fair 2023 presscon sa Quezon City (mula kaliwa) sina Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) Secretary General Jerry Midel, Past President Henry Ah, President Gerik Chua, EVP Chris Ah & Vice-President Wilson Lee Flores (Photo by James Navarro).

Pinakamalaking Bakery Fair 2023 magaganap sa March 2 to 4

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIHAYAG ni Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) President Gerik Chua, kasama sina dating President Henry Ah at iba pang opisyales ang pinakahihintay na Bakery Fair 2023 na magaganap sa March 2, 3, at 4, 2023 sa World Trade Center sa Sen. Gil J. Puyat Ave. cor. Diosdado Macapagal Blvd., Pasay City. Magbubukas ito simula 10:00 a.m.-8:00 p.m.. Kaya naman iniimbitahan nila ang lahat ng baking, pastries, at food enthusiasts at ang publiko na makiisa sa napakalaking event na ito.

Ito bale ang una simula nang matigil apat na taon ang nakararaan na Bakery Fair matapos ang global pandemic gayundin ang pagbabalik ng Philippine baking industry bagamat may inflation at ibang challenges na kinakaharap ang bansa.

Para makapag-register para sa Free Entrance sa Bakery Fair 2023, i-follow ang online link Bakery Fair 2023.

Ang Bakery Fair ay ang biennial (isang beses kada dalawang taon) civic project ng FCBAI para i-promote at itaas ang antas at kalidad ng Philippines bakery industry at suportahan ang socio-economic development. 

Mayroong 136 exhibitors ang kasali sa malaki at pinaka-star-studded Philippine bakery event, ang Bakery Fair 2023 ay gagawin sa 10,000 square meters ot one hectare ng World Trade Center. Maraming magaganap na educational technical seminars mula sa iba’t ibang top bakery industry-related companies, bakers, chefs, at experts.

Isa sa exciting events ng Bakery Fair 2023 ay ang FCBAI Bakers Cup Wedding Cake Competition 2023 na nagbabalik pagkaraan ng pandemic at magtatampok sa magagandang wedding cake creations ng Kasalang Pinoytheme. 

Kaya mamangha sa bakers’ amazing creations na gagamit ng fondant, royal icing, gum paste at iba pa.. Isa ito sa pinakahihintay na events of the year, na ang magwawagi ay makatatanggap ng P80,000. Ihahayag ang mananalo sa March 2 at ang wedding cakes ng finalists ay ie-exhibit sa pagsasagawa ng Bakery Fair 2023

Itatampok din sa Bakery Fair 2023 ang Angel Cup 2023. Ang Angel Cup-Bread Display Competition ay magtatampok ng paggawa ng Bread Showpiece, Artisan Bread, Healthy Bread, at Sweet Dough with dough filling.

Ang FCBAI ay parte ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII), ang umbrella business at civic organization ng 170 Filipino Chinese chambers of commerce and trade organizations mula Aparri hanggang Tawi-Tawi. 

Halina’t suportahan ang Bakery Fair 2023, bilang pagsuporta na rin sa  Philippine baking industry. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joey de Leon

E.A.T, Joey mabilis na humingi ng paumanhin; Showtime deadma

HATAWANni Ed de Leon MATAPOS punahin ng mga tao ang isang joke ni Joey de Leon at …

Kids Toy Kingdom show

Kathryn, Bitoy, at Barbie, wish maging guest sa Kids Toy Kingdom Show ng mga host nito 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AARANGKADA na ngayong Sabado (Sept. 30) ang Kids Toy Kingdom Show (Season 2) at ipinahayag ng …

Angelika Santiago

Angelika Santiago, waging Young CEO of The Year at Female Best Dressed sa 3rd Diamond Excellence Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRA ang kagalakan ng Kapuso actress na si Angelika Santiago …

Gabby Concepcion David Licauco

Gabby at David bibida sa isang charity show

MATABILni John Fontanilla ISANG napakalaking show ang magaganap sa kaarawan ng kaibigang Genesis Gallios sa Newport Performing …

Nadine Lustre

Nadine trending ang pagtu-two piece sa IG

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media si Nadine Lustre nang mag-post ito sa kanyang Instagram, @nadine ng mga …