Sunday , December 22 2024
nora aunor

Nora Aunor ‘di dapat naghihirap

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG araw pa, sinasabi ng master showman na si Kuya Germs na, “dapat pangalagaan natin ang kapakanan ng mga artista. Walang artistang dapat na naghihirap sa buhay kahit na hindi na sila sikat.”

Noong siya pa ang presidente ng KAPPT, iniipon ni Kuya Germs ang lahat ng kinikita ng samahan, pati ang nakukuha nilang royalty noon sa Star Olympics. Sa opisina lamang nila sa Sampaguita Pictures compound ang kanilang meetings at simple lamang ang pagkain. Pati suweldo ng kanilang empleado ay nanggagaling sa bulsa ni Kuya Germs.

Ang sinasabi niya kasi ang pera ng KAPPT ay inilalaan niya para sa mga artistang nangangailangan ng tulong.

Pero natapos ang termino ni Kuya Germs. Hindi niya nabigyang katuparan ang pangarap na welfare fund para sa mga artista. Marami siyang idea noon. Dapat daw gaya sa US na may bahagi ng box office returns na inilalaan sa actors’ welfare. Dapat daw ang mga artistang dayuhan ay magbayad ng equity para makapagtrabaho sa Pilipinas, na hindi rin naman nangyari.

Masakit nga iyon, lalo na kung ang maririnig mo ay isang National Artist at itinuturing nilang superstar noong kanyang panahon,

si Nora Aunor na magsasabing “hanggang ngayon pulubi pa rin ako.”

Kung sa bagay open naman siyang sanay siya sa hirap. Noong bago siya naging artista ay nagtitinda siya ng tubig sa tabi ng riles ng tren sa Bicol, kaya eh ano ba kung ngayong matanda na siya ay nagtitinda siya ng tuyo at tinapa.

Pero hindi dapat nangyayari ang ganyan. Nasaan na rin ang fans ni Nora? Kung ngayon sila magbibigay ng piso para kay Nora, aba hindi naman siguro mananatiling pulubi ang kanilang idolo. Kikilos ba sila?

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …