Monday , December 23 2024
Willie Revillame

Mga tinukoy ni Willie na binigyan ng ayuda pangalanan

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI maiaalis na sumama ang loob ni Willie Revillame. Isipin ninyo may mga movie reporter daw na inayudahan niya ng P10k buwan-buwan sa loob ng dalawang taong lockdown, na tila ngayon ay natutuwa pa sa nangyayari sa kanyang show. May sinasabi pa siyang isang reporter na binigyan niya ng P50k nang kumandidato iyong konsehal na hindi naman niya sinabi kung saan.

Masama rin ang loob niya sa isang artistang binigyan daw niya ng unit sa kanyang condo at isang kotse tapos ngayon ay sinasabi pang mayabang kasi siya.

Sana sa susunod pangalanan na ni Willie kung sino-sino ang sinasabi niyang iyan para magkaalaman na.

Noong panahon ng lockdown, wala kaming natanggap na ayuda mula sa gobyerno. Hindi rin kami sumama sa mga tumanggap ng ayuda mula sa FDCP. Ang natanggap lang naming ayuda ay mula kay Boss Jerry Yap ng Hataw, at mula sa isa pang diyaryo na aming sinusulatan. Nagkaroon ng “community pantry” para sa movie press, at nakuha namin iyon at naibigay naman sa community pantry namin sa simbahan. Nagpadala rin ng tulong si Gretchen Barretto na agad din naming ipinadala sa community pantry ng simbahan dahil mas kailangan iyon doon.  Awa naman kasi ng Diyos, ‘hindi kami naging pulubi’ kahit noong panahong iyon, kasi may trabaho kami.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …