Thursday , November 14 2024
John Prats 30

Sa loob ng 30 taon sa showbiz
JOHN PRATS MALAKING TAGUMPAY ANG PAGIGING DIREKTOR

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

GREATEST achievement ang pagdidirehe para kay John Prats sa 30 taong inilalagi niya sa showbiz. Mapa-teleserye o concert man ito, iba ang naibibigay na fulfillment sa kanya ng pagdidirehe.

Unang nakilala bilang child star si John noong 1992 at kapatid ng aktres na si Camille Prats. Naging member din siya ng JCS band. Marami-rami ring TV show ang nasalihan niya gayundin ang mga nagawang pelikula. Pero ang pagdidirehe ng concert at action-series ang maituturing niyang greatest achievement sa loob ng 30 taon sa showbiz.

“Kanina nga nag-uusap kami ng mga handler ko tapos ipinakikita nila iyong mga album ko noong JCS, ‘Gimmik,’ nagdirehe ako ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ concerts na sa 30 years ang dami ko na palang nagawa na parang minsan natatawa na lang ako,’ panimula ni John nang makahuntahan namin isang araw.

Greatest achievement ko ang pagdidirek kasi nagawa ko na lahat naman as an actor. Nagdrama ako, nag-horror, nag-comedy. Dumating na rin ako sa point na kaya ko nang pumasok sa trabaho na parang comfortable, not naman relax dahil for so many years (na pagiging aktor), ‘yun na ang ginagawa ko.

“Pero this one, creating every concert is different. Kaya the challenge is always there,” pag-amin ni Pratty. “Kaya ‘yun ang gusto ko kinakabahan ako, natsa-challenge ako.” 

Sinabi pa ni Pratty na, “Hindi ko alam kung paano ako makakapag-perform dito at lagi kong dala-dala ‘yung ‘your only good as your last show’ ‘yun ang pressure ko kasi kahit doon sa 10 show mo na magaganda tapos sumablay ka sa last show mo iyon ang matatandaan ng mga tao. Kaya ‘yun ang challenge sa akin to create something new, a new experience.” 

Sa totoo lang hindi naman pinangarap o nakita ni John sa sarili na magiging direktor siya. Paliwanag ng aktor,  “Hindi nga eh. Pero ngayon nare-realize ko na ang tapang ko to jump on things like directing is not…kasi ako parang tumalon sa pagdidirehe, and I want it, gustong-gusto ko. 

“Pero hindi ko nare-realize na mahirap pala siya, na malaki palang responsibilidad. Pero more than responsibility kaya hindi ko siya naiisip gusto ko lang mag-inspire, gusto ko lang mag-create, pero kung iisipin mo nga naman siya it’s a bigger responsbility. Tulad ng concert ikaw ang kapitan ng ship nasa iyo kung paano tatakbo. Ang singers will do their part, rehearsals sila pero pagdating na ng oras ng concert makikita na ng tao ‘yung whole thing on how you gonna present ng artists, the songs, pero dahil nae-enjoy ko ang aspetong iyon hidi ko naiisip na malaking responsibility.”

Malaking responsibilidad na naitang kay John ang pagdidirehe ng Ang Probinsyano kasama si Coco Martin. Siya rin ang nagdirehe ng star-studded 2022 ABS-CBN Christmas Special. Pero kung hindi nagdidirehe si John, mapapanood naman siya na sumasayaw o ipinakikita ang pagiging komikero sa It’s Showtime bilang isa siya sa regular judge at mentor sa Girl on Fire dance competition. 

At bilang concert director, naidirehe na niya sina KZ Tandingan at Bamboo sa isang concert sa Pampanga, ang Rock and Soul Supremacy at si Klarisse De Guzman sa New Frontier concert nitong Her Time. Isama na rin ang unang nagtiwala sa kanya na si Moira dela Torre sa Tagpuan noong 2018 sa KIA Theater at ang Braver concert noong 2019 sa Araneta Coliseum. Siya rin ang nagdirehe ng concert ni Moira noong Feb 3 sa Araneta Coliseum, ang Moira’s 2023 World Tour.

Kapansin-pansin naman ang pagdidirehe niya sa Manila concert ni Jessi’s Zoom (the first ever solo concert ng Korean hip hop star)gayundin ang 2-leg Be You 2 concert na tampok ang K-Pop stars na TVXQ!, BoA, Chen, at Xiumin ng EXO gayundin ang fan meet ni Kim Soo-hyun na isa sa highest paid actor sa Korea ngayon.

Pero ang dream concert ni John nang aming usisain ay ang  Christmas Worship Concert.

Kasi parang wala pang gumagawa ng ganitong concert at the same time to honor God kasi parang for me lahat ng nangyayari sa akin was given by Him. So, gusto ko sana makapag-produce o makapagdirehe rin ng concert for Him.

“At saka kasi feeling ko ngayong matanda na ako parang hindi ko na nararamdaman ang Pasko. Parang dumadaan na lang siya pero nawawala ‘yung noong bata ako na dadalhin ka sa COD, dadalhin ka ng nanay mo to see the Christmas something. I don’t know kung andyan pa pero nawala na rin ‘yung mga nangangaroling na nangungulit sa mga bahay. Even before na wala pang pandemic parang nawawala na rin eh,” sambit pa ni John na gusto niyang tampukan ito ng mga Cornerstone artists tulad nina Yeng Constantino, Eric Santos, Moira, Richard Poon at siyempre ni Mr. Jose Mari Chan. 

“So lahat as in lahat ng stars honoring God sa araw na iyon,” giit pa ni John.

Aminado naman si John na sa pagdidirehe ng Ang Probinsyano siya nahirapan kompara sa concert. “It was tiring lang kasi may action and it’s not easy to mount. Sa concerts kasi you prepared one month before pero you see the set on the day itself medyo magkaiba talaga.” 

Mas nae-enjoy lang ni Pratty ang pagdidirehe ng concert dahil, “ang reaction ng mga tao live. Kapag natuwa sila, kinilig sila kapag nagustuhan nila ang kanta, kapag natuwa sila ramdam mo. At gusto ko ‘yung kapag kumakanta sila tapos tahimik kasi that means they are listening, ‘yun ang gusto ko, nadadala ko sila sa ibang dimension.’

At nang matanong namin kung ano pa ang gustong ma-achieve ni John bilang actor, wala siyang masabi dahil hindi raw doon naka-focus ang mind niya sa kasalukuyan. 

Sa pagdidirehe naman I wanna direct abroad ‘yun kasi when … international concert, it’s a dream pero feeling ko I can really do it kasi the fact na akala ko imposible na kunin ako ni Jessi, ng mga K Pop to work with Koreans and nararamdaman ko  naman na they admired what we are doings, alam kong hindi malayo. That’s what I’m striving  and I dont know kung saan ako dadalhin ni God. Sabi ko nga, ‘Lord ikaw na ang bahala sa akin kung saan mo ako dadalhin basta ako I’m gonna do my best.’”

Gusto ring makagawa ng mini series for Netflix ni John o iyong mga seryeng 8 episodes lang.

Nasabi pa ni John na malaki ang pasalamat niya unang-una kay Lord at sa kanyang asawang si Isabel Oli na sobra-sobrang suporta ang ibinibigay sa kanya, ang Cornerstone, gayundin ang mga kaibigang patuloy na nagbibigay inspirasyon at pagmamahal sa mga ginagawa niya.

At bilang bahagi ng ika-30 taong selebrasyon sa Philippine showbiz, isang exclusive feature ang inilabas ng Rank Magazine tampok si Pratty.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …