Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Willie nagbigay katiyakan sa mga artistang nakakontrata sa AllTV — hindi namin kayo pababayaan 

I-FLEX
ni Jun Nardo

TULOY pa rin pala si Willie Revillame sa show niyang Wowowin sa AllTV.

Live na napanood namin si Willie sa kanyang show at sa episode last Monday, ipinakita niya ang ginagawang studio para sa kanyang show na nasa Star Mall na pag-aari ng Villar group of companies.

Nasabi ni Willie na inaayos ng Villar ang mga nakapirma ng kontrata sa kanila. Basta ang pahayag niya, “Hindi namin kayo pababayaan!”

Marami pang inaayos sa AllTV at isa na ang malakas na signal na aabutin ang malalayong probinsiya. Mga 800 to 1000 persons ang puwedeng pumasok sa bago niyang studio na hitech.

Ang pangako ni Willie lalo na sa followers niya sa social media, “Hindi namin kayo bibiguin at mananatili ang minahal ninyong programa na maraming natutulungan!”

Sinabi rin ni Willie na manatiling nakatututok sa kanyang show for more updates lalo na’t wala siyang social media account.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …