Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Sharon Cuneta Lovi Poe FPJs Batang Quiapo

Coco Martin sinuportahan ni Sharon Cuneta, celebrity screening star studded

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IBANG klase talagang makipagkaibigan at magmahal ang isang Sharon Cuneta. Kahapon, ipinakita niya ang pagmamahal kay  Coco Martin sa pagsuporta sa celebrity screening ng bagong action drama niyang FPJ’s Batang Quiapo na ginawa sa Trinoma Cinema.

Isa ang Megastar sa maraming artistang nagbigay-suporta kay Coco at sa bumubuo ng BQ tulad nina Lovi Poe, Cherry Pie Picache, Christopher de Leon, Charo Santos, John Estrada at marami pang iba.

Naging close sina Sharon at Coco nang mapasama sa cast ang una sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sumuporta rin sa celebrity screening sina Ara Mina, Rosanna Roces, Angel AquinoMichael de Mesa, Jaime Fabregas at iba pang mga nakasama ni Coco sa FPJAP.

Dumalo rin sa screening si Ms Roselle Monteverde ng Regal Films bilang sila ang prodyuser ng pelikula noon ni Da King Fernando Poe Jr., ng Batang Quiapo, mga big boss ng ABS-CBN, mga taga-TV5 at marami pang iba.

Ipinanood sa screening ang pilot episode ng BQ na mapapanood na simula February 13, Lunes, 8:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, IWantTFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment’s Youtube channel at Facebook page.

Tulad ng FPJAP, hitik sa action ang BQ na nakita agad sa pilot episode na ipinakita sa celebrity screening. Doon ipinakita agad ang bad side ng tatay ni Coco at kung paano siya lumabas sa mundo.

Kahanga-hanga ang acting na ipinakita nina Miles Ocampo at Precious Lara Quigaman, ang nanay at lola ni Coco.

Ipinakita rin ang pag-establish ng mga karakter na gagampanan nina Boyet, John, Cherrie Pie, at iba pa.

At kung action ang hanap ninyo, hindi kayo bibiguin ng seryeng ito dahil hitik talaga at tiyak mapapagod kayo. Pero siyempre hindi mawawala ang pampakilig nina Coco at Lovi kaya looking forward tayo sa mga susunod na tagpo sa mga susunod na araw sa pag-uumpisa ng Batang Quiapo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …