I-FLEX
ni Jun Nardo
GRAND winner ang isang Cebuana sa Bida The Next contest ng Eat Bulaga.
Ang Cebuana-Danish singer na si Carren Eisrtup ang bagong EB Dabarkads na mapapanood sa noontime show. Tinalo niya ang lima niyang co-grand finalists.
Sinasabing may hawig sa foreign singer na si Miley Cyrus si Carren. Nag-uwi siya ng magarang sasakyan, kontrata worth P1-M, P500K na cash.
Thirteen years old pa lang si Carren ay pangarap nang maging artista upang makatulong sa pamilya.
Hindi man pinalad ang ibang finalists, sure naman sila ng trabaho sa Eat Bulaga.
Ang grand winner naman sa Sayaw Barangay ng EB ay mula rin sa Cebu.
Congratulations, Carren!