I-FLEX
ni Jun Nardo
PASABOG ang dami ng bisitang gustong maging guest ng Kapuso star na si Jillian Ward sa kanyang 18th birthday, huh.
Ayon sa report, 700 daw ang magiging guests niya sa kanyang debut. Kakaiba raw ang tema ng debut niyang ito na ngayon lang mangyayari sa isang babaeng nag-e-18.
Nagsimula sa GMA si Jillian bilang child actress sa Kapuso sa series na Trudis Liit at nagtuloy-tuloy na ang kasikatan niya.
Kasalukuyan siyang napapaood sa GMA afternoon drama na Abot-Kamay Ang Pangarap.
I-invite kaya ni Jillian sa debut niya si Sofia Pablo na nakasama niya sa Prima Donnas?