Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benz Sangalang

Benz Sangalang, sumabak sa 7 love scenes sa bagong project

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa pagratsada ang showbiz career ng hunk actor na si Benz Sangalang. Sa February 19 ay mapapanood na ang episode niya sa seryeng Erotica Manila. Tampok dito si Benz sa pang-apat at panghuling episode titled Death by Orgasm. Bida rin dito sina Felix Roco at Alona Navarro.

Makikita sa episode nila na babawian ng buhay ang isang lalaki matapos nitong madisgrasya habang nagtatago sa ilalim ng kama ng mag-asawang nasa gitna ng intense love making.

Ang iba pang episodes ay Cinema Parausan nina Azi Acosta at Alex Medina, Girl 11, starring Josef Elizalde at Cara

Gonzales, at 3rd episode ang The MILF and the OJT nina Vince Rillon at Mercedes Cabral. Ito ay sa direksiyon ni Law Fajardo at nagsimula nang mapanood exclusively sa Vivamax.

Anyway, katatapos lang gawin ni Benz ang bago niyang pelikula na pinamagatang Hugot. Ito ay mula kay Direk Daniel Palacio.

Nagkuwento ang aktor hinggil dito. Wika ni Benz, “Ako po lead role rito, ang movie ay tungkol po sa basketball player na hinuhugot sa mga liga para kumita.”

Dagdag pa niya, “Yes po, parang pustahan ito and sexy-drama po itong movie. Kasama ko rito sa Hugot sina Azi Acosta, Stephanie Raz, at Apple Castro. Nandito rin po sila Mark Anthony Fernandez, Joko Diaz, at Julio Diaz.”

Itinuturing ni Benz na biggest break niya ang pelikulang Hugot. “Sa palagay ko po dahil ito ang pinakamarami kong bed scenes, nasa 7 po ang bed scenes ko rito. At mas na-challenge ang acting ko rito dahil may drama at medyo may romcom po ito tungkol sa love story namin ni Azi.”

Ano ang na-feel niya nang sinabing gagawin niya ang Hugot at siya ang bida rito?

“Sobrang excited po at sobrang pressured din. Napakarami ko pong bed scenes dito at feeling ko ay nawasak ang katawan ko dahil sa rami ng bed scenes ko,” nakangiting wika ng guwapitong alaga ni Jojo Veloso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …