Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWAN
ni Ed de Leon

BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay niya kasama ang Kanong si Lee O’Brian. Ang natatandaan namin, nakasama lang ni Pokwang iyang Lee noong ginawa niya iyong pelikulang indie na EDSA Woolworth noon sa US. Hindi namin kilala iyang Lee kung artista ba iyan sa America, isang bit player lang o kung ano iyan. Alam naman ninyo sa Pilipinas, basta Kano iniharap sa isang press conference pinalalabas nang malaking artista.

Nagkagustuhan naman sila at nagkaroon ng isang anak. Pero ngayon inaamin na ni Pokwang na buong panahon ng kanilang pagsasama, kailangan siyang kumayod para mabuhay ang kanilang pamilya, wala palang trabaho iyang Lee.

Makalipas ang ilang taon, naisip din siguro ni Pokwang na may anak nga siyang Tisay pero siyang mag-isa lang naman ang nagtataguyod doon, at pati na sa tatay niyon. Iyon ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay doon sa Kano.

Ewan naman kung sino ang sinasabi ni Pokwang na mukhang may interest din doon sa Kano at bina-bash pa siya. Kaya nakahihiya man, inamin ni Pokwang na siya man ay nabola lang din.

Magandang ang kuwento ni Pokwang, dahil iyan ay kapupulutan ng magandang aral ng mga taong “nahuhulog” dahil sa magandang hitsura ng tao, at hindi naiisip kung ano ang kalalabasan nila sa kinabukasan.

Aba eh bago kayo magmahal ng iba, mahalin muna ninyo ang sarili ninyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …