ni Ed de Leon
ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong sabihin nating bading, sa poging actor na nakasama niya sa isang BL series. Ang masakit lang, wala pala siyang pag-asa sa actor, at nang matapos ang kanilang BL, nalaman na lang niyang sinabi niyon na ayaw na siyang makasama ulit.
Noong panahong may ginagawa pa silang BL, naging generous naman siya kay pogi, at akala niya tuloy-tuloy na iyon. Eh kaso totoong lalaki naman si pogi, bakit siya papatulan? Baka sakali pang patulan siya niyon kung babayaran din niya ng P10-M.