Friday , November 15 2024
Arrest Posas Handcuff

TIÑGA ARESTADO SA POLICE RAID SA TAGUIG
P95K halaga ng shabu at ilegal na armas kumpiskado

MAHIGIT P95,000 na halaga ng shabu ang nasamsam kay Bernardo Tiñga, 56, na naaresto sa isinagawang operasyon ng Taguig City Police sa P. Mariano Street sa Barangay Ususan noong Biyernes, Enero 20.

Nakuha rin kay Tiñga ang isang kalibre 45 na baril, isang basyo ng 45 cal. magazine, anim na bala ng kalibre 45, at iba pa.

Ang isinagawang raid ng mga tauhan ng Taguig PNP Substation 4 ay sa bisa ng search warrant na inisyu ni Taguig City Regional Trial Court Branch 15-FC Judge Byron G. San Pedro.

“Ang Taguig ay napakalakas ang paninindigan laban sa ilegal na droga. Sa katunayan, mismong si Mayor Lani Cayetano ay may marching order na alisin ang mga ilegal na substances na ito sa ating lungsod. Sinisiguro namin sa publiko na hindi titigil ang Taguig Police hangga’t hindi natin naaabot ang goal natin na ito,” ani Taguig City Police Chief Col. Robert Baesa.

Kinikilala rin ang Taguig Police sa pag-aresto at pagkulong sa mga kilalang miyembro ng Tiñga Drug syndicate at iba pang high-value drug personalities sa mga nakalipas na operasyon.

Magugunita na nahatulan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo ang miyembro ng Tiñga Drug Syndicate na si Joel Tiñga dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga noong 2016.

Ang isa pang miyembro ng sindikato na si Elisa “Ely” Tiñga, asawa ni Noel Tiñga na pinsan ni dating Taguig Mayor Freddie Tiñga, ay pinatawan din ng parehong parusa ng korte noong Pebrero 2017.

Noong panahong ding iyon, si Elisa ang pangatlo sa most wanted person sa listahan ng mga personalidad ng ilegal na droga. Siya rin ang ikapitong miyembro ng Tiñga Drug Syndicate na naaresto at nakulong.

Noong 2020, isang buy-bust operation ang humantong sa pagkakasamsam ng mahigit P20 milyong halaga ng shabu at nagresulta sa pagkakaaresto kay Patrick Ace Tiñga. (BONGSON)

About Bong Son

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …