Monday , November 18 2024
prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory rape ang dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura ang suspek na si Johnny Vacual, residente ng #18 B. Ilang-Ilang St., Brgy. Marulas ng nasabing siyudad.

Ayon kay Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista ng manhunt operation in relation to S.A.F.E. NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Vacual dakong 2:47 ng hapon sa kanyang bahay.

Si Vacual ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Family Court Branch 4, Malabon City noong January 24, 2023 para sa kasong Statutory Rape.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Valenzuela CPS sa kanilang masigasig na operations kontra wanted persons na naging dahilan upang madakip ang akusado. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …