Monday , April 7 2025
marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” matapos makuhanan ng nasa 570 gramo ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa  ng gabi.

Kinilala ni Navotas City police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Jomari Casbadillo, 28 anyos, (pusher/listed) at Mark Joseph Nicandro alyas “Mac-Mac”, 35 anyos, kapwa residente ng F.Pascual St., Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr ng buy- bust operation sa harap ng bahay ng mga ito sa nasabing lugar.

Nang tanggapin ni Casbadillo ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang knot-tied transparent plastic bag ng marijuana ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba kasama ang kanyang kasabwat.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 570 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price (SDP) P68,400, buy- bust money, sling bag at P500 recovered money.

Ani P/Capt. Rufo, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST FISMPC New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

Manila, Philippines – The Filipino Inventors Society Multi-Purpose Cooperative (FISMPC), supported by the Department of …

Chavit Singson Richelle Singson Ako Ilokano Ako Partylist

Ako Ilocano Ako Partylist suportado ng Transport groups

MAHIGIT 300 kinatawan mula sa mga pangunahing grupo ng transportasyon—kabilang ang Stop and Go Transport …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa …

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …