ANG vlog series ni Senadora Imee Marcos para sa buwan ng Enero 2023 ay isasara sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan.
Sa January 27 (Biyernes) at 28 (Sabado), ipakikita ng walang kapagurang mambabatas ang mga highlights ng katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Candaba, Pampanga na nakipag-bonding siya sa mga millennial na magsasaka sa Candaba Trade Center sa isang pagtitipon na pinamagatang Kamustahan With Young Farmers.
Nakipag-chikahan ang Super Ate na si Imee sa mga farmer-entrepreneurs sa isang dialogo na pinag-usapan nila ang mga isyu na nakaa-apekto sa industriyang pang-agrikultura ng bansa.
Ipinagmalaki din ng mga kabataang magsasaka ang kanilang iba’t-ibang produkto na talaga namang ikinatuwa ni Sen. Imee – mula sa iba’t-ibang mga gulay hanggang sa sibuyas, itlog ng itik, at litsugas hanggang sa kakaiba at Pinoy na Pinoy na malunggay ice cream, na kaagad na naging paborito ng Senadora.
Samahan sina Senadora Imee at ang mga batang agriculturists ng Pampanga sa kakaiba at nagbibigay liwanag na farming experience na ito at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.