Sunday , December 22 2024
James Reid

James Reid muling nag-sorry, concert sa North America ‘di matutuloy

HATAWAN
ni Ed de Leon

HUMIHINGI na naman ng paumahin si James Reid at humihingi ng pang-unawa dahil hindi na naman matutuloy ang sinasabi niyang North American concert tour. In the first place, mayroon na nga ba talagang arrangement o plano pa lang? Mukhang mahina ang kanyang production company sa ganyan, iyon nga lang music fest nila sa Cebu naging isang malaking disaster para sa kanila, tapos ngayon sasabak pa sa north America?

Sa Cebu kahit na ano ang sabihin mo may nakakikilala kay James dahil sa mga pelikula niya noong araw, eh sa North American territories, sino ba ang nakakikilala kay James Reid? Hindi standout ang mga Tisoy doon, dahil lahat sila Tisoy. Matindi rin ang kompetisyon sa musika roon, at napakaraming sikat na artists na mas panonoorin nila kaysa kay James.

Ang totoo, isa kami sa nanghihinayang diyan kay James. Kasi iyang mga pinapasok niyang proyekto ay puro suntok sa buwan. Kung iyon ba naman nagsisikap muna siya rito sa Pilipinas na sumikat din naman siya kahit na paano, may natitira pa naman siyang fans siguro na susuporta sa kanya, at saka dito standout ang kanyang hitsura, baka mas may chances pa siya.

Kagaya rin niyong narinig naming isang comment na pogi raw siya at sexy pa, na siguradong papatok kung magpapa-sexy sa pelikula.

Hindi naman siguro siya kailangang gumawa ng kahalayan na kagaya ng inilalabas ngayon sa internet, iyong sexy comedies lang ok na. Palagay namin magki-click siya sa ganoon. Hindi masama ang mataas na pangarap, pero dapat isipin mo rin kung ang mataas na pangarap na iyan ay possible ba o hindi.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …