RATED R
ni Rommel Gonzales
ANG yumaong dating Pangulong Cory Aquino ang isa sa mga main resource people ni direk Vince Tañada para sa mga detalye ng Ako Si Ninoy na pelikula ng Philstagers Films.
“In 2009 when I wrote the original script for the stageplay my main resource person is PCCA, President Corazon Cojuangco Aquino.
“She was already suffering from cancer of the colon pero nasa St. Luke’s [hospital] ako at iniinterbyu ko siya at lahat ito ay nanggaling sa kanya.
“Galing sa pamilya,” pagtukoy ni direk Vince sa mga detalye na mapapanood sa Ako Si Ninoy.
“Second we also have historians and academicians, ‘yun pong talagang pinag-aralan at nagsaliksik sa kuwento. Hindi po ‘yung gawa-gawa lang po na isang pamilya para sa kanilang sariling pag-angat ng imahe.
“Ito po ay pinag-aralan ng iskolastiko’t akademiko,” pagtukoy pa rin ni direk Vince sa nilalaman ng pelikula na unang napanood noon bilang isang stageplay.
“Point of view po ito ng mga Aquino, ng mga historian, ng mga scholastic and academicians, POV po ito ng mga nag-aral tungkol sa kasaysayan, hindi po ito POV ng isang pamilya lamang.”
Pagbibidahan ni JK Labajo bilang Ninoy Aquino ang Ako Si Ninoy at kasama rin dito sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Johnrey Rivas, Nicole Laurel, Sara Holmes, Marlo Mortel, Lovely Rivero, at marami pang iba.
Tapos na ang kabuuan ng pelikula at naghihintay na lamang ng playdate.