Sunday , December 22 2024
Electricity Brownout

Sistema ng NAPOCOR, Paurong – HATAMAN

Dahil sa paulit-ulit na brownout sa Basilan at sa iba pang maliliit na isla sa bansa, minarapat ni Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman na paimbestigahan ang National Power Corporation Small Power Utility Group (NPC-SPUG) na nangangasiwa dito.

Ayon kay Hataman, napapanahon ng isisain ang ahensya kasunod ng abiso nitong hihina ang kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan nito sa darating na Febrero 1.

Napansin ni Hataman ang anunsyo ng Napocor kasunod lamang ng krisis sa kuryente na tumama sa Basilan at ibang parte ng Mindanao at Luzon. Ang dahilan, umano’y, ay pagkulang sa krudo  at pagka huli ng bayad sa Universal Cost for Missionary Electrification (UCME).

“Matagal na itong problema ng mga island-provinces tulad ng aming lalawigan sa Basilan, lagi na lang nagtitiis ang aming mamamayan sa napaka-unreliable na power service ng NAPOCOR. Naniniwala ako na dapat na itong ireview para masolusyunan,” ani Hataman na dating gubernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Hindi naman tama na tanggapin na lang namin ang aming kalagayan. Baka dapat tingnan na natin ang batas at pag-usapan ang mga solusyon sa problema ng NAPOCOR para hindi na paulit-ulit ang ganitong mga pangyayari,” dagdag pa ni Hataman .

Hiniling ng relolusyon ng kongresista na busisiin ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), partikular ang operasyon ng NPC-SPUG.

Ani Hataman ang problema sa kuryente ay hindi lamang sa Basilan kundi sa Sulu, Jolo pati na ang Palawan kung saan apektado ang turismo.

“Lagi na lang ganito ang problema ng NAPOCOR sa mga SPUG areas nila: mataas ang presyo ng diesel, delayed ang payment sa subsidy ng UCME, may shortage sa fuel. Hanggang ngayon ba hindi pa sila natuto sa paulit-ulit na problemang ganito? Wala silang ready na solusyon tuwing mangyayari ito?” tanong ni Hataman.

“Ni-raise na natin ito noong nakaraang budget hearing. Year in, year out, we hear the same problems. Hindi nagagawan ng paraan, walang permanenteng solusyon. Meanwhile, ang mga mamamaya at n ang napeperhuwisyo tuwing may kakulangan ang NAPOCOR,” aniya.

“Pag nawawalan ng kuryente, apektado ang serbisyo ng pamahalaan, nababalahaw ang daloy ng negosyo tumitigil ang mundo ng mga tao. Ganito kahalaga ang elektrisidad lalo na sa papaunlad na lalawigan tulad ng Basilan,” anang kongresista .

“Imbes na umusad tayo pasulong, para tayong naglalakad ng paurong kapag hanggang ngayon ay brownout pa rin ang problema natin,” aniya. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …