Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vivamax Erotica Manila
Vivamax Erotica Manila

Mag-ready na sa rough, hot, at wild experience sa Erotica Manila

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG bagong series ang siguradong pag-uusapan ng lahat dahil sa dala nitong kontrobersiya at kaakit-akit na mga eksena. Mag-ready na para sa rough, hot, at wild experience mula sa pinakabagong offering ng Vivamax, ang Erotica Manila.

Ito ay isang four-part Vivamax Original Series na may apat na kuwento tungkol sa iba’t ibang sexcapades na puwedeng ma-experience sa Metro Manila. Isang series mula sa direksiyon ni Law Fajardo, mapapanood na ito simula January 29, 2023, streaming exclusively sa Vivamax.

Ang una nitong episode ay ang Cinema Parausan na pinagbibidahan nina Azi Acosta at ng Gawad Urian nominated actor na si Alex Medina. Ukol ito sa isang film buff na nagpunta sa lumang cineplex para manood ng classic erotic film. Sa pagdating niya sa sinehan, matutuklasan niya na bukod sa pagpapalabas ng erotic films ay may mga sex workers din doon na nag-aalok ng extra service para sa mga manonood.

Girl 11 ang title ng kasunod na episode, starring Josef Elizalde at Cara Gonzales. Tungkol ito sa lalaking news writer na nagpunta sa isang massage parlor na nag-aalok ng special service para matakasan ang mga iniisip at problema sa buhay. Pipila para pagpilian niya ang grupo ng kababaihan at dito niya makikita si Girl #11. Susulitin niya ang ibinayad at magkakaroon ng mapusok at mainit na gabi kasama ang napiling babae. Pero sa pagitan ng lahat na ito ay may sikretong pinaparating ang mga halik ng babae.

Pangatlong episode ang The MILF and the OJT, na bida sina Vince Rillon at ang multi-awarded actress na si Mercedes Cabral. Isang middle-aged sexy star na unti-unti ng nalalaos ang nasa isang kilalang apartment para mag-shoot ng pelikula. Dito niya makikilala ang isang binatang production intern na papasok sa loob ng kanyang unit. Sa paglabas ng binatang intern sa kuwarto ng sexy star ay may bago at kakaibang sexual experience na itong naranasan.

Ang pang-apat at panghuling episode ay ang Death by Orgasm, na pinagbibidahan nina Felix Roco, Alona Navarro, at Benz Sangalang. Babawian ng buhay ang isang lalaki matapos nitong madisgrasya habang nagtatago sa ilalim ng kama ng mag-asawang nasa gitna ng intense love making.

Mula sa Viva, panoorin ang apat na magkakaiba at kakaibang mga kuwento na may mga nakakaintrigang bida. Muling mag-iinit ang paligid sa Erotica Manila, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong January 29, 2023. Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …