Saturday , November 23 2024
Raymond Bagatsing Devon Seron David Chua

NET25 SitCom na Good Will, Bagong Hangout na Super Chill!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANO nga ba ang tunay na kahulugan ng mana? Ito ba’y nasusukat lamang sa yaman o dami ng ari-arian? Sapat na ba ito para mabuhay nang ‘happy ever after?’

O meron bang mas makahulugang aral na hihigit pa sa makamundong pamumuhay? Meron nga bang kaligayahang hindi mabibili o matutumbasan ng salapi?

Ito ang kuwento ni Lloyd Patawad—anak mayaman, bulakbol, chickboy at wanna-be rockstar ang peg sa buhay. Walang ibang inisip kundi ang kanyang pansariling pangarap.

Laking gulat na lang niya nang malaman niyang pamamanahan siya ng kanyang yumaong ina na may-ari ng isang resort.

Overnight millionaire na ba ang drama niya sa buhay?

Pwede, pero meron siyang challenge na dapat harapin. Ang siste, hindi niya alam na ang mga challenge na ‘to ang siyang magiging daan tungo sa pagbabago, at siya na ring magpapatibok ng kanyang puso.

Sa bawat challenge, sari-saring hanash ang kanyang haharapin. Pero balewala naman yarn, dahil mas maraming tawanan, halakhakan, harutan at iba pang feel-good moments na siguradong magpapangiti sa bawat eksena at episode ng bagong NET25 sitcom na Good Will, ang hangout na super chilla, na hahataw sa inyong TV screens simula January 22!

Starring award winners Raymond Bagatsing at ang love interest niyang si Devon Seron, ang mga komedyanteng sina Smokey Manaloto, Kat Galang, James Caraan, Ryan Rems, at introducing … in his very first starring role, ang bagong Oppa ng Bayan, ang award-winner ding si David Chua (Mano Po Legacy: The Family Fortune, Love Thy Woman) bilang si Lloyd Patawad.

Two years in the making ang mala-Koreanovela na kuwento! Riot sa katatawanan pero di rin papatalo sa kilig feels! Aspirational din ang dating, at siguradong kapupulutan ng aral ng mga millennials.

Produced by ALV Productions, Viktory 8 Media and Dark Carnival Productions, “Good Will” is directed by Ian Loreños, with story concept/creative producers David Chua, Joma Labayen and Ian Loreños, headwriter Joma Labayen, and writers Don Santella, Kiko Abrillo, Aica Ganhinhin, and Motec Migallen. Original music by Edil Luyon.

Eksklusibo sa NET 25! Abangan! Every Sunday 4:00-5:00pm simula January 22, bago umere ang programang “Korina Interviews.”

If there’s a will, there’s a way. And if there’s a Good Will, siguradong sulit ang inyong NET25 afternoon prime!

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …