ni Ed de Leon
HINDI malaman ng isang male star kung ano ang kanyang gagawin nang pumalpak ang isang negosyong napasukan niya, at natural hahabulin siya ng mga creditor dahil sa magkakasosyo siya lang naman ang kilala ng mga nagtiwala ng kanilang pera. Puro unknown naman ang kanyang mga kasosyo.
Noong ipit na siya ay napilitan siyang tawagan ang kaibigan niyang gay millionaire na agad naman dumating at nagpahiram sa kanya ng pera, pero siyempre alam na ninyo kung ano ang kapalit niyon. Baka nga ang ending ay hindi na niya bayaran ang kanyang inutang at palitan na lang iyon ng “services rendered.”