Sunday , December 22 2024
Laurice Guillen Agot Isidro

Direk Laurice ‘di kailangang magpaliwanag kay Agot

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPALIWANAG si direk Laurice Guillen na ang ginamit daw nilang pamantayan o criteria ay ang panuntunan ng yumaong National Artist for Film na si Eddie Romero. At batay doon kaya nila nagawa ang kanilang desisyon sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Siguro nagpaliwanag nga si direk Laurice, matapos na mapikon si Agot Isidro dahil na-snobbed daw ang pelikula nila sa ibang awards, na sinabayan naman ng iba pa. Pero kung kami si Laurice, hindi kami magpapaliwanag. Walang obligasyon ang mga hurado na magpaliwanag sa kumukuwestiyon sa kanilang desisyon. Sila ang kinuhang jurors, at iyon ang desisyon nila. Ang desisyon nila ay final. Iyan namang mga sumali, sumama sila na isinumite ang kanilang pelikula eh, ano ang kaparatan nilang magkuwestiyon sa naging desisyon ng mga hurado?

Kung nagkaroon siguro ng dayaan, o hindi ang mga tunay na nanalo ang idineklara, maaari silang umangal. Kung wala namang anomalya at pinangatawanan ng mga hurado ang kanilang desisyon, ano pa ang habol nila?

Kung kami ang tatanungin, hindi na dapat nagpaliwanag si Laurice.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …