Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kate Valdez Mark Herras

Mark kinaiinisan ng netizens

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY panibagong kontrabidang kinakaharap ngayon ang Kapuso actress na si Kate Valdez sa GMA Afternoon Prime series na Unica Hija.

Ito ay si Mark Herras na gumaganap na matandang bersiyon ng kaibigan ni Bianca (Kate Valdez) na si Zach.

Ang aktor na si Kych Minemoto ang gumanap na young Zach sa Unica Hija.

Head over heels para kay Bianca si Zach kaya naman hanggang sa pagtanda nito ay nadala niya ang infatuation sa yumaong kaibigan.

Dahil sa obsession ni Zach kay Bianca, bumalik ang kanyang feelings nang makita niya ang clone ng huli na si Hope, na ginagampanan din ni Kate.

Pinagkatiwalaan ni Hope si Zach na tutulungan siya nitong hanapin ang kanyang mga tunay na magulang pero lalo pa siyang nalagay sa panganib.

Kinidnap at itinago sa isang bahay ni Zach si Hope dahil kamukang-kamukha nito si Bianca.

Kung tutuusin, may pagka-psychopath ang karakter ni Mark sa Unica Hija, bagay na ikina-stress ng mga manonood.

“Creepy” nga raw ang role ni Mark sa Kapuso afternoon drama. Sa kuwento, natagpuan ni Zach si Hope sa parehong edad kung kailan namatay si Bianca. Maaaring doble ang agwat ng edad ni Zach kay Hope.

Samantala, kung marami ang naiinis kay Zach, ilan din ang nagpahayag ng kanilang interes sa story twist na ito sa Unica Hija na may temang psychological.

Patuloy itong subaybayan weekdays, 3:25 p.m., pagkatapos ng Abot Kamay Na Pangarap sa GMA Afternoon Prime.

Ang livestreaming ng serye ay available sa GMANetwork.com at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …