HATAWAN
ni Ed de Leon
MAHIRAP din ang buhay ng isang baguhang artista. Dahil nalalaman ng mga kaibigan mo na artista ka na, ang inaasahan nila ay napakalaki na ng kinikita mo. Dahil diyan ang inaasahan nila, laging ikaw ang gagastos sa lahat ng mga lakad ninyo.
Iyon namang baguhang artista, ayaw siyempreng mapahiya kaya sige lang. Tuloy ang high cost of living, pero paano niya magagawa iyon? Diyan naman pumapasok ang tukso at natututo silang mag-sideline.
Iyan ang dahilan kung bakit maraming newcomers ang may milagro gamit ang social media at internet. May mga tumatambay din naman sa mga watering holes at doon naghihintay ng magiging interesado sa kanila. Kawawa rin sila sa totoo lang.