Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Noli de Castro TV patrol Nazareno 2023

Noli de Castro balik-TV Patrol 

KAGABI muling napanood ng sambayanang Filipino si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol  na naghatid ng mga nagbabagang balita.

Ang pagbabalik-TV Patrol ni Kabayan ay tamang-tama sa Kapistahan ng Nazareno na ibinalita niya ng live mula sa Quirino Granstand bilang selebrasyon ng  Nazareno 2023. Isang deboto ng Nazareno si Ka Noli.  

Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” ani Ka Noli sa programa niyang Kabayan sa TeleRadyo noong Biyernes (Enero 6). 

Nakasama ni Kabayan sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng balita sa mga Filipino saan man sa mundo. Patuloy din siyang mapapanood sa kanyang public service show na Kabayanat ng morning newscast na TeleRadyo Balita kasama si Joyce Balancio sa TeleRadyo.

Napapanood ang TV Patrol mula Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m., habang napapanood naman ang TV Patrol Weekend tuwing Sabado at Linggo, 6:00 p.m. kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …