Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nora Aunor Matet de Leon

Matet inaming nabigla sa mga sinabi sa ina: Hindi ko pala kayang ‘di siya kausapin

MA at PA
ni Rommel Placente

ALL’s well that ends well sa mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon. Kinompirma ito mismo ni Matet sa kanyang YouTube live noong Sabado, January 7, 2023, kasama ang  asawang si Mickey Estrada.

For the record, bago matapos ang taong 2022 ay nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawa matapos sabihin ni Matet na kinukompetensiya ng ina ang gourmet tuyo at tinapa business niya.

Pagbabahagi ni Matet sa kanyang YouTube live, “May gusto akong sabihin din sa kanila [viewers] bukod sa episode ko na ‘Dear Mars.’

“Kami ni Mommy ko ay nagkaayos na.

“Nakita na nila, eh, nag-upload na ng video si Kuya John.”

Ang tinutukoy ni Matet ay ang vlog sa YouTube na ini-upload ng singer-rapper at longtime companion ni Nora na si John Rendez nang magdiwang ito ng kaarawan na imbitado si Matet.

Sabi pa ni Matet, “I think I spoke too soon when I said I didn’t want to talk to her anymore. Siguro nasabi ko ‘yun out of anger.

“See what anger can do?”

Na agad namang sinang-ayunan ng kanyang mister.

Pagtatanggol ni Mickey, “Siguro nasabi mo ‘yun dahil sa frustrations, anger, and gulat.

“Pero nag-usap naman sila ni Mommy noong araw na ‘yun mismo.

“Pero ayun nga, tao lang tayo.”

Kuwento pa ni Matet, si Nora ang unang lumapit sa kanya para makipag-ayos.

“Nag-chat sa akin si Mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, ‘na sana, kasi bagong taon, kalimutan na natin ‘yung mga nangyari nitong nakaraan.’

“Who am I not say yes to that and not to agree with her?

“Sino ako? Wala… ang Diyos nga nagpapatawad.”

Aminado si Matet na mali siya noong sinabi niyang hindi na niya kailanman kakausapin pa ang ina.

Ang mali ko roon, sinabi ko na hindi ko na siya kakausapin. Hindi ko pala kaya,” sambit niya.

Nakatutuwa naman si Ate Guy, siya pa ang gumawa ng first move para magkaayos sila ni Mater, lugar na dapat ay si Matet, since siya ang anak, ‘di ba?

Nagkatotoo na naman ang kasabihan na ang ina ay hindi magagawang tiisin ang anak. 

Gayunman, hindi na ‘yun ang importante, ang mahalaga ay okey na ulit ang mag-ina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …